Sampung Random tungkol sa Digmaan at Kapayapaan
Thursday, January 29, 2015
0
comments
10 Random tungkol sa Digmaan at Kayapaan
Mula sa panulat ni Ram Gubalane
1. Katotohanan, na kinakailangan muna ng pagbuwis ng buhay at karahasan bago makamit ang kapayapaan.
2. At sa pagsulong ng usaping kapayapaan, ay ang palaging pag-usbong ng bagong paksyong rebelde na muling tututol sa pamahalaan. Paulit-ulit na proseso.
3. Buhay at dugo ang sinasakripisyo ng maliliit na kawal para sa kredito ng malalaking opisyal.
4. Hindi lang sa basura may pera, meron din sa giyera.
5. Turuan ang kahihinatnan ng isang pumalpak na operasyon, samantalang Agawan naman ng kredito ang
isang matagumpay na operasyon o negosasyon.
6. Hindi lang rebelde, hindi lang pamahalaan ang tunay na biktima ng digmaan kundi ang mga inosenteng taong walang kinalaman sa kaguluhan.
7. Kapwa nananawagan at sumasang-ayon sa usaping “Kapayapaan” , ngunit kapwa may sukbit na armas sa tagiliran.
8. Sa digmaan, parehong tama ang dalawang panig. Depende kung kanino ka nakapanig.
9. Nasaan kaya ang CHR, kung ang biktima ng karahasan ay ang mga kaawa-awang kawal ng lipunan?
10. Ang digmaan, MINSAN ay parang pag-ibig – magulo, maligalig, marahas, bayolente. At higit sa lahat, maraming biktima.
“Dapat nang tapusin ng sangkatauhan ang digmaan, bago pa tapusin ng digmaan ang sangkatauhan.” – John F. Kennedy