Your Adsense Link 728 X 15

Ang OFW at Ang Balikbayan Box

Posted by Unknown Tuesday, August 25, 2015 0 comments
Dear Ma,

Nagpagahe na ako at sa Black Garbage Bag ko na lang inilagay kasi sayang lang ang Karton na gagamitin ko kasi lasog lasog din naman pagdating dyan. 10 riyals yung medium na kahon dito bale 130 Pesos din yun at pwede ng pangbili ng pang ulam nyo na isang kilong Galunggong na nagsimulang maging napakamahal nung matapos ang Edsa Revolution dyan sa atin.

Kredit sa may-ari ng larawan
At isa pa nakatipid din ako sa Packaging tape na 5 riyals ang isang rolyo nun dito, maghihirap lang akong magsara ng Balikbayan Box tapos bubuksan lang dyan at kapag isinara ulit isang hatak lang ng tape ang ilalagay at di pa madikit. Mas malagkit pa yata ang kanin eh kesa sa Custom Tape nila.

Binili na kita ng Bag na sinasabi mo kasi luma na bag mo. 70 riyals lang at sale sa Lulu pero ang ganda. Sana huwag matipuhan ng mga taga Custom o ng magdedeliver ng bagahe natin. Nung maglinis ako sa Flat ng Boss ko ay nabigyan nya ako ng sapatos na Nike at sabi sa akin ay isang gamit lang daw niya yun. Kaya mukhang bago pa Mama. Yung Boss ko ay di yun bumibili ng sapatos na bababa sa 500 riyals ma, kaya tuwang tuwa ako. Halos nagkakahalaga satin ng 7thousand pesos ang Nike na yan. Bigay mo sa panganay natin ha, kasi natatandaan ko pa noon nung nakita niya ang sapatos ni Lawrence ay nasabi niyang Papa ganyan ang mga tipo kong Sapatos. Kaya naman ipinadala ko na kahit wasak wasak na ang safety shoes na issue sakin. Pagtiyagaan ko na lang itong gamitin basta ang mahalaga ay matuwa lang si Rj natin. Pero kung di mo matagpuan dyan sa Balikbayan Garbage Bag ko ay huwag ka na lang kumibo baka nasikwat sa Custom o dahil nga sa bukas ang Balikbayan garbage bag naten eh yung delivery man ang nakakuha kasi ang ganda ganda nun eh. Yung mga cornbeef saka mga colgate eh tig labing dalawa binili ko bigyan mo sina bayaw saka sina Mama at Papa at nanay ko din pati mga kapatid ko. Eksakto yang bilang ko pero kapag nagkulang pabayaan mo na baka may nakapagbulsa dun sa mga nagkalkal nyan sa Custom. O baka ipapakain sa mga Aso nila o Pet alam mo naman ang mga mayayaman di ba mga nag gagandahan ang mga Pet nila at kung tayo ay sardinas ang kinakain yung mga pet nila ay imported na de lata. Bayaan mo na kasi sabi ng lola be humble always. Binilan ko din ng digital na casio watch ang tatlong bata bale yung kinita ko sa sideline na paglilinis ko ng bahay sa labas ang pinangbili ko dyan. 150 riyals ang isang relos Mama bale lumalabas na 1,800 pesos ang isa niyan. Kung sakaling di mo na makita dyan sa aking Balikbayan Garbage Bag eh pabayaan mo na baka yung nag check ay laging nale late sa trabaho at walang relos atleast sa pamamagitan natin mapapa aga ang pasok niya atleast madami siyang mache check o kakalkaling personal na bagahe ng mga OFW at madaming makikitang magagandang item na sisilaw sa kanyang mata.
Si Mam Cherry ay nagbawas ng mga di nagagamit na sapatos, damit at bag at swerteng isa ako sa nabigyan kaya inilagay ko din dyan Mama sa aking Bagahe. Kahit mga second hand yun ay ang gaganda kasi itong Si Mam ay di mahilig sa gamit na tipong pang divisoria eh. Puro mga class tignan ang gamit nun. Kung sakaling di mo na makita dyan pabayaan mo na baka sa dami ng binubuksan ng Custom ay di nila naibalik sa supot. Unawain na lang natin.

May binili akong mga chocolate na sale gaya ng Cadbury yung paborito mong fruit and nut. Saka mga biscuit sa mga bata at madami pa. Madami yan Mamaa. Kung sakaling kumonti na sya ay pabayaan na lang baka tumikhim ng isa yung mga taga Custom. Lahat sila tig isa lang naman siguro, eh ang dami nila dun kaya siyempre pedeng maubos lahat.

Masaya ako at exited para sa padala ko na iyan kasi talagang pinagpawisan ko lahat ang iyan Ma at inipon ng matagal. Para sa inyo yan, mahal na mahal ko kayo. Sabi dito sa padalahan ay 10 days daw yan air cargo pero huwag ka ng umasa sa ganun ha kasi nga alam mo naman kung gano kabilis magtrabaho ang mga taga gobyerno eh. Di ba nga yung kilala natin kada sahod lang pumapasok sa munisipyo?
Di mo naman puwedeng sitahin kasi matatapang yan at ang yayabang kapag sinita mo. Alam mo naman yun di ba? Dun nga sa LTO natatandaan mo ba nung nag file ako ng lost driver licence ang tagal tagal hanapin yung kopya, halos maghapon tayo, nung nagreklamo ako, minura pa tayo pero nung sinama ko si Ninong Mark eh parang maamong tupa ang tarantado di ba? Wala pa yatang isang minuto nakita na yung kopya.

At oo nga pala Mama kapag hingingan ka ng tax lalot na malaki, yung parang binebenta na sayo ang pinadala ko na dapat ay hindi dahil nagbayad na ako dito ng tax ay ibigay mo na lang sa kanila yan!
Alam ko wala kang kapera pera dyan. Kung sakaling mayrong konti ay para yan sa pagkain natin sa isang buwan. Malayo pa sahod kaya tipid muna tayo.

Smile ka na lang say "Merry Christmas na lang po. SA inyo na lang po yan" at umalis ka na.

Kasi nalaman ng kasama kong itik ang ugali ng mga taga Custom dahil nga sikat na sikat ang Custom ngayon sa buong mundo at mga OFW, eh may kapangyarihan pala sa bulong yung kasama kong itik

Binulungan niya yang aking Balikbayan Garbage Bag na ang sinumang taga Custom na kukuha ng anumang bagay dyan sa padala ko ay dadapuan nag malaking malaking kamalasan sa buhay ewan ko lang kung totoo pero sana totoo nga.

Kaya kung Plastic na lang ang dumating sa iyo okey lang yun. Buti nga may natanggap ka pa eh. Yung iba nga di na narecieve ang bagahe kahit scothtape na lang. Gamitin mo na lang yang plastic lalagyan ng ating basura. Atleast minsan sa ating buhay nakapagtapon tayo ng basura na made in Qatar ang plastic.



I mis you Ma.


********************************************

Mula sa panulat ni Ginoong Edmond Pascual

0 comments:

Post a Comment

Popular Posts