Pinoy Rebyu : Heneral Luna
Friday, September 18, 2015
0
comments
Ang mga ito ang naisip ko pagkatapos kong mapanood ang #HeneralLuna:
1. Kahit pala noong araw, ang mga pilipino’y sadyang ayaw magpasakop sa batas pero ang nakakainis, marami ang gustong magpasakop sa banyaga.
2. Mahigit tatlong daang taon tayong sinakop ng dayuhan. Mahigit isandaang taon nang nakamit ang kalayaan pero ramdam natin na parang hindi naman.
3. Kung buhay si Heneral Luna sa kasalukuyang panahon at ipinaglalaban niya pa rin ang kanyang prinsipyo’t paninindigan, malamang na kapwa pa rin niya Pilipino ang papatay sa kanya.
4. Maraming loophole sa libro ng kasaysayan na naituro sa atin noon ating kabataan, marahil noong naisulat ito’y buhay pa si Aguinaldo kaya naging ganun.
5. Sa halos isandaang milyong budget ng pelikulang Heneral Luna, nakakalungkot malamang tila hindi pa sila nakaka-breakeven kahit magdadalawang linggo na ito sa sinehan. (Uy, ‘yung huling pelikula ni Daniel Padilla kumita pala ng mahigit dalawandaang milyon.)
6. Sa tigas ng mga damdamin ng marami sa ating pulitiko, maaantig pa kaya sila kung mapapanood nila ang eksenang kinakatay na ng kapwa Pilipino niya si Heneral Antonio Luna?
7. Ang problema noong panahon ng Kastila at Amerikano ay problema pa rin ngayon. Tanggalin mo lang ang madugong digmaan.
8. Gusto kong isiping si Mayor Duterte ay reincarnated version ni Heneral Luna.
9. May end credits sa pelikulang Heneral Luna, naisip kong baka trilogy ito na gaya ng mga pelikula ng Marvel, tila totoo nga dahil pagkatapos ng Luna ay isusunod daw ni Direk Jerrold ang life story nina Heneral Gregorio Del Pilar at Manuel Quezon.
10. Sa tinatamasa nating kalayaan ngayon, hindi natin kailangan ng bayani, ang kailangan natin ay disiplina sa sarili.
Mula sa Panulat ni Ramil Gubalane

0 comments:
Post a Comment