Your Adsense Link 728 X 15

Sarah at ang mga munting Patatas Memes

Posted by Unknown Sunday, October 19, 2014 0 comments

Batang 90’s at mukhang cartoons,  alam ko ang madamdaming istorya ni Sarah ang Munting Prinsesa.  Napanood ko ito nang ilang beses (hello may rerunning na may marathon pa ang mga cartoons sa local channels), pati na ang film adaptation nito na kung saan nagbida si Camille Prats bilang si Sarah at nagmaldita si Jean Garcia bilang si Madame Claudia  Miss Minchin.

Sa hindi ko pa malamang kadahilanan ay nauso ang meme ni Sarah at ang kanyang mga magic patatas. Ilang beses (isa) akong nag-Google para malaman ko ang puno’t dulo ng lahat.  Ang nasagap kong tsika ay tuwing umaga raw kasi ay pinagbabalat ng patatas si Sarah kasama ang kanyang bff na si Becky.  Hindi ko pa rin makuha ang sense? Pero aanhin pa ang deep sense kung mayroon namang instant sense of humor sa pagbabasa at pagki-click ng mga photos.  That’s the greatest sense of life di ba? Whatever or however  ka-potato  ang bottom line ay  sumaya o masarapan.
How potato!

Patatas kaba?

Between kamote at patatas, mas trip ko ang kamote? May sweetness kasi in English pero naisip ko favorite ko rin nga pala ang French fries kahit kumakain ako sa isang local na kainan na may malokong dambuhalang bubuyog. Kamote lang?!  Para sa tawag ng wala-lang na freestyle and creative writing bakit nga hindi ko subukan na mag-Going Patatas!

Klasik Movies:  

Patatas, lulubog din ang mga Tala starring shawie kometa
              Hindi pa Patatas ang Laban  starring If Pee Jay
Minsay May Isang Patatas – starring Noh Rah

Pinoy Music:  

“Bakit Labis Kitang Mahal, Patatas mo’y ‘di ko malimutan – popularized by Dingdong Doorbell
“Mahal kita, mahal kita hindi ‘to bola ,sumagot ka naman ‘wag lang…Patatas – popularized by Apo saTuhod
“Lalala- lala – yam-yam”  – Radioactive Potato

Soap Opera:

Ang Patatas na Hinugot sa Aking Tadyang – top billed by Mar Yan Di Vera
Sana Patatas Na Lang Kahapon- Bleeh Along  Zabarte
Ang Dalawang Misis Potato – top billed by Low Bee, Mais Sell and KingKong

Bilang Pagbibigay-bigay sa mga unang gumawang kabulastugan narito ang ilan sa cool meme ni Sarah, ang Munting Prinsesa at ang kanyang mga kaPatatasan sa buhay.






Paano hanggang dito na lamang magbabalat pa ako ng maraming patatas sa kusina.

Mula sa panulat ni Maria Juana Bituin

Mga larawan ng Princess Sarah Memes ay nakuha mula sa Facebook.

0 comments:

Post a Comment

Popular Posts