Your Adsense Link 728 X 15

Ang Aldub, Ang Pastillas Girl at Ang Heneral Luna

Posted by Unknown Monday, September 28, 2015 0 comments
AlDub
I am an ALDUB fan.. Inaadmit ko iyan. everytime na nanunuod ako, ang sirang puso ko sa matagal na panahon ay kinikilig pa rin. It means tao parin ako. Yun ang nagagawa sakin nun thats why I love it. Also I am a fan of "Its Showtime". Not pastillas but showtime. And I admit majority din ng pinapanuod ko ay kapamilya. So di ako makapagsabi ng masama sa Showtime. Pwera lang ung naghalikan si vice at karylle. Nakakakilabot eh.

Here's the thing. Madaming feeling intellectual na nambabash sa aldub. the "kababawan" thing and The last post I saw is about the trending tweets issue na umabot sa 25 something million. Same as showtime na millions din ang tweets.
May nagsasabi pa na, nagtrend sila wala naman kwentang show, kung pinatrend din ang heneral luna edi sana mas makabuluhan.

Pastillas Girl
People, If you cant say anything good on something na majority ang masasagasaan, then shut your mouth. May ginawa ba sa inyong masama ang Aldub mismo, eh ginawa lang nila ay magpasaya. At masaya kami kaya nagtweet kami ng nagtweet. Same sa Showtime. masaya din. Nang nakita ko ang opening, namangha ako sa todo performances. At madami ang fans.
Kung makikisawsaw ka para lang makasakit ng milyong milyong damdamin, makasarili ka. Nasatisfied ang cravings mo na masabi ang gusto mo kahit alam mong makakasagasa ka ng madaming madami.

Ang kaepalan dapat nilalagay din sa tamang panahon o timing.

Hindi ako nagmamalinis dahil kilala ako ng mga kaibigan ko na mapanlait, mapanghusga at napakatransparent ko sa nakikita ko.

Inaamin ko na nakakasakit ako ng isa o dalawa o tatlo. Tao ako, hindi ako perpekto, madalas nagkakasala pero di ko kayang manakit ng libo-libo. Marunong parin akong makisama.


Pag sinabing "makisama" nakikipagbayanihan ka, sa isip, salita, sa gawa at sa DAMDAMIN.
ayus lang kung maglaban ang EB aldub vs. showtime dahil sila lang naman talaga ang magkatunggali. Alam natin na ipagtatanggol ng mga fans ang gusto nila. Pero yung sinasali mo pa si Heneral Luna o ung ibang national Issues, kupal ka na epal ka pa. Pakialam mo sa nararamdaman namin. Sa masaya kami eh.

Sa magulong bansang ito, saming mga bigo at broken hearted, samin na madaming problema, ang isang oras na pagngiti at pagtawa ay napakalaking bagay, masarap sa pakiramdaman kaya naeexpress pa sa social networking sites.

Kaya hindi umuunlad ang bansa, may mga tao parin na kahit kalahi niya, inaalipusta niya.

Mula sa panulat ni Mark Patatas

Imahe nakuha sa google

0 comments:

Post a Comment

Popular Posts