Tanghalang Pilipino's Mabining Mandirigma : Mahirap mag-isip bilang Pilipino?
Friday, February 19, 2016
0
comments
Para masimulan bagong katungalian kailangan mabuksan ang asemble national nabubuuin ng mga kababayan ng siyang lilikha ng panukalang batas. |
"Mahirap magisip bilang Pilipino."
-Liesl Batucan bilang Apolinario Mabini
"Mapait na sumpa ang maging marunong."
-Carol Bello bilang Dionisia
Paano nga ba magisip ang Pilipino? Mabusisi ba sila sa katotohanan, o dagliang maniniwala sa sinasabi ng karamihan?
Liesl Batucan bilang Mabini |
Sa ganitong paraan ng pagiisip nagmumula ang pagiging manhid sa katotohanan. Na pilit tayong nabubulag sa karahasan ng buhay sa ating nakaugalian. Isa siguro sa sakit ng pagiisip bilang Pilipino ay ang pagiging matakaw sa sabi-sabi. Hindi muna tinitignan ang bawat anggulo ng isang bagay. Ika nga ng iba, Argumentum ad Populum. Kung ano ang sabi ng karamihan, iyon ang paniniwalaan. Isa ito sa tinatalakay ng Mabining Mandirigma sa pangalawang pagtatanghal nito na hindi niyo dapat palampasin.
Muling inihahandog ng Tanghalang Pilipino, tunghayan ang Mabining Mandirigma sa Tanghalang Aurelio Tolentino sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas ngayong Pebrero 19 hanggang Marso 13. Utak! Puso! Bayan!
Mula sa panulat ni Kurt Copon
0 comments:
Post a Comment