The Bobo Bill ng Pinas
Sunday, September 21, 2014
0
comments
Sa dami ng batas sa Pilipinas tila hindi na natin kailangang dagdagan pa ang mga batas na ito. Ang kailangan lang natin ay ipatupad ito ng ating pamahalaan thru local government o kung sinumang otoridad ang dapat na nakakasakop dito.
Malaking kontribusyon sa pagpapaunlad ng bansa ang mahigpit na pagpapatupad ng batas ng otoridad at kung ‘yung mga law enforcer natin ay hinahayaan lang ang mga violator na ito na sumasalaula sa mga batas na nakahain, siguradong wala kang aasahang katinuan at kaayusan.
Kaya ‘wag ka nang magtaka kung bakit patuloy nasinasalaula ang mga batas sa Pilipinas dahil magmula sa pinakamahihirap na mamamayan hanggang sa pinakamayayaman hanggang sa kagalang-galang umanong politiko ay binabalewala ang iba’t-ibang mga batas, polisiya at ordinansa. At lahat sila’y hindi sinisita lalo’t hindi sila hinahabla.
Pero dahil trabaho ng ating mambabatas ang gumawa ng ‘makabuluhang’ batas na makatutulong sa pagpapanatili ng kaayusan sa Pilipinas at mag-aayuda sa pagiging progresibo ng ating bansa, ang mga pulitiko nati’y hindi nauubusan ng panukalang batas na hindi ko alam kung saang planeta pinulot ang mga ideya.
1. The Anti-Hammer Ordinance ni Sec. Mar Roxas
Ang Modus: Bibili sa hardware store ng isang mall ang mga magnanakaw ng martilyo (hammer) tapos ang martilyo ding ‘yon ang gagamitin nil ang pambasag sa estanteng salamin ng mga alahas na nasa loob ng mall habang ang mga guard na nakatalaga sa loob ng mall ay mukhang tanga na hindi mahuhuli ang mga suspek. At dahil walang nahuhuling suspek umuulit lang ang ganitong modus operandi.
Ang panukala: Sa solusyong naisipni Sec. Roxas, ipag-bawal dapat ang pagdadala/pagbitbit ng martilyo sa loob ng mall para maiwasan ang kahalintulad na insidente.
Bakit kabobohan: Sa halip napaigtingin ang seguridad ng mall, ipinagpapalagay ni Sec. Roxas na dapat nang-iipagbawal ang pagdadala ng martilyo sa loob ng mall. Kung sakaling maipasa ang batas na ito, hindi ba naisip ni Sec. Roxas na pwede ring tools of crime ang pipe wrench, cross wrench o crow bar sa paggawa ng kaparehong krimen?
2. Congratulations Bill ni Sen. Lito Lapid
Ang senaryo: Taong 2011, nagwagisi Manny Pacquaio kay Juan Manuel Marquez, taong 2012 naman nang magwagi sa 6th Asia Film awards sina Eugene Domingo at Sharmaine Centenera. Walang duda na pangworld class ang talent ng mga personalidad na ito.
Ang panukala: Sa panukala ni Sen. Lapid at sa pamamagitan ng Senate Resolution 365 at Senate Resolution 752, respectively dapat daw ay mai-congratulate at mabigyang parangal ng Pilipinas thru Senate ang mga naturang personalidad.
Bakit ka bobohan: Walang duda na world class talent ang taglay nila, walang duda na dangal sila ng bansa pero kung bibigyan natin sila ng recognition na ‘Congratulations Bill’ paano na lang ang ibang talent na may kapareho ding achievement? ‘Di ba dapat bigyan din sila ng ganung recognition? At ‘pagnangyari ‘yun maya’t maya may kino-congratulate tayong artist; saya nga ng oras, saying ang pera ng taong-bayan sa ‘di napag-isipang batas.
3. Good Drivers Bill ni Rep. Godofredo Arquiza
Ang senaryo: Masikip na trapiko sa Kamaynilaan, lantaran at kabi-kabilang paglabag sa batas-trapiko, mga ineffective na traffic enforcers napapetiks-petiks lang sa kanilang assignment.
Ang panukala: Dahil sa point of view ng Representative ng Senior Citizen’s Party List ay wala nang ang rumerespeto sa batas-trapiko, oras na raw para bigyan ng reward ang kumakaunting bilang ng responsableng motorist o driver.
Bakit kabobohan: Motorista ka man o pedestrian dapat hindi ka lumalabag sa batas-trapiko – hindi na ‘yan kailangang i-memorize pa. Ang pagkakaroon ng driver’s license ay isang pribilehiyong ibinibigay sa mga motoristang may pagnanais na makapagmaneho saan mang lugar sa Pilipinas at kaakibat ng pagkakaroon nito ay ang pagsunod mo sa anumang batas na may kaugnayan sa batas-trapiko. Period. Bakit kailangan may reward e, obligasyon nating lahat ‘yun? Desperado na ba tayo para lang tumino ang ating kakalsadahan?
4. Overloaded School bags Bill ni Sen. Lito Lapid
Ang senaryo: Kaawa-awang elementary at highschool students dahil sa dala-dala nilang mabibigat na bag na may lamang maraming textbook sa eskwelahan na kailangan daw dalhin araw-araw sabi ng kani-kanilang mga maestro o guro.
Ang panukala: Ayon sa Senate Bill 2179, panahon na raw upang ipagbawal o ilimit ang overloaded bags sa panukala ni Sen. Lapid. Dapat daw 15% ng body weight ng isang estudyante ang dapat na bigat ng kanyang bag dahilang labis pa rito’y makakaapekto sa pisikal na katawan ng bata.
Bakit kabobohan: May mga bagay na hindi na kailang ang gumastos pa para lang isa batas ang isang panukala na pwede naming iregulate ng magulang/guardian o ipag-utos na lang ng kagawarang sumasakop sa kanya. Hindi tayo nagluluklok ng isang senador para lang sa ganitong kaisipan.
5. Junk Food Bill ni Sen. LitoLapid
Ang senaryo: Bata pa lang tayo may junk foods at softdrinks nasa canteen ng ating eskwelahan. At walang sinumanang hindi nakakaalam na masama ito sa ating katawan at kalusugan.
Ang panukala: Para daw matuldukan na ang pagbebenta ng junk foods sa eskwelahan kailangang maipagbawal na ito thru Senate Bill 2517 otherwise known as “School Nutritionand Balanced Diet Act of 2010” ni Sen. Lapid.
Bakit kabobohan: ‘Pagnaaprubahan ang batas na ito kailangan daw imonitor ito ng DOST, DepEd at iba pang multi-agency body ng gobyerno. So ibigsabihin, dapat may kaukulang budget sa pagpapatupad nito. Muli, isang kautusan lang mula sa DepEd , solve ang problemang ito. Bukod sa makakatipid ng husto ang gobyerno, hindi pa ito gaanong matrabaho.
6. Anti-Planking Bill ni Rep. Winnie Castelo
Ang Senaryo: Wayback 2011 nang mauso ang phenomenon naplanking. Planking na kung saan nakadapa ang isang tao sa kung saang lugar niya naisin at sa ganung posiyon ay kukunansiya ng litrato saka ipopost ito sa kanyang account sa Social Networking Site na may hashtag na PLANKING.
Ang panukala: Kalaunan naging form of protest ang planking naisinasagawa ng mga aktibista bilang kanilang protesta. Dahil dito nagfile ng batas si Rep. Winnie Castelo ng QC thru House Bill 5316 – banning planking as a form of protest.
Bakit kabobohan: Ang planking ay isang trend lang nasiguradong kasasawaan ng mga tao. Kung ang form of protest ng isang aktibista ay sa pamamagitan nito, ano naman ang pakialam natindito? Masyado na bang malalim mag-isipang mga kongresistan atin para makaisip ng ganitong klase ng batas?
7. Anti-Selfie Bill ni Rep. Rufus Rodriguez
Ang senaryo: Sa paglaganap ng mga cellphone na may video sa lahat ng lugar sa mundo, kabi-kabila ang nagseselfie at kumukuha ng video naming kung saan nagiging sanhi ng kalutasan ng isang krimen dahil naipost at nagtrend ito sa isang Social Networking Site.
Ang panukala: Sa panukala ni Rep. Rufus Rodriguez layunin nitong ipagbawal ang pagkuha ng larawan/video sa sinuman ng wala niyang pahintulot kundi’y ikaw ay mapaparusahan. Kasama na rito ang pagkakahagip ng kung sino na sumabit lang sa kinuha mong selfie.
Bakit kabobohan: Hindi na nga naisabatas ang Freedom of Information Bill heto at ipinapanukala na ipagbawala ng pagkuha ng video/larawan sa mga taong umaabuso sa batas o ang simpleng kasiyahan ng mga tao. Remember the EDSA Hulidap Incident? Kung hindi dahil sa nagtrending na picture sa tingin kaya ni Cong. Rodriguez masosolve kaya ang kasong ‘yun? Ang pagpigil samakatwiran/makabuluhang pagvideo o pagkuha ng larawan ay isang pagsikil sa kalayaan bilang Pilipino. Ang KJ nitong si Congressman, no?
Mula sa panulat ni Dimas ng Bulakan

0 comments:
Post a Comment