Your Adsense Link 728 X 15

Bina-bash ngayon si Marlou dahil sa diumano'y paggigiit niya na 10k ang TF niya

Posted by Unknown Monday, June 20, 2016 0 comments
Bina-bash ngayon si Marlou dahil sa diumano'y paggigiit niya na 10k ang TF niya.

Napaisip tuloy ako: bakit ang mga tituladong guro at iskolar ng iba't ibang larangan, libre ang mga panayam sa mga telebisyon at radyo?

Wala bang halaga ang kanilang oras at pag-aabala? Hindi ba binibili rin nila ang mga libro at dokumentong inaaral nila? Hindi ba ilang semestreng matrikula ang binayaran nila para makamit ang mga titulo nila? Madali lang ba ang humarap sa camera at ipaliwanag sa loob ng iilang minuto lang ang mga paksang ilang taon nilang sinaliksik? Hindi ba delikado sa reputasyon ng kinapanayam ang pag-eedit ng kanyang mga sinabi bago umere sa telebisyon? Paano kung maiba ang kahulugan ng kanyang mga pahayag at ikasira niya ito?


Mahabang panahon ang ginugugol ng mga iskolar sa pagpapakabihasa sa kanilang larangan. Hindi naman sila kung sinu-sino lang na inambush sa sidewalk para hingan ng opinyon tungkol sa kasaysayan, kultura, lipunan o politika. Bakit minsan may mga taga-media na magpaparamdam sa iyo na parang utang na loob mo pa sa kanila na binigyan ka nila ng ilang minutong exposure? Kung minsan, kailangan mo pang ipaalala na ibalik man lang ang ipinangtaxi mo. Isa ito sa mga dahilan kung bakit piling-pili na lang ang mga imbitasyong pinapaunlakan ko (depende kung gaano kahalaga sa akin ang paksang pag-uusapan at kung kayang isingit sa schedule ko).

Bagama't hindi nasusukat ng salapi ang pagpapahalaga, naniniwala akong dapat may natatanggap ang mga akademiko sa kanilang paglabas sa media. Nadadagdagan ang kredibilidad ng mga programa kapag may akademiko silang kinakapanayam. Maari nating sabihin na sa isang banda, itinataya rin ng mga akademiko ang kanilang pangalan sa bawat pagsalang nila. Sa kasalukuyang kalakaran, tingin ko, hindi nabibigyan ng sapat na pagpapahalaga ang mga akademiko at ang kanilang trabaho.

Mula sa panulat ni Alvin Campomanes

0 comments:

Post a Comment

Popular Posts