Your Adsense Link 728 X 15

Pinoy Rebyu : Burgis na "That Thing Called Tadhana" (2014)

Posted by Unknown Thursday, April 2, 2015 0 comments
Tapos na ba ba kayong manghusga? Akala niyo wala akong nararamdaman. Maka-judge kayo, bakit close ba tayo! Talagang naka-print screen pa kung paano ako napahiya. Porke't ako ang mali bawal na ako magsalita. May karapatan din naman akong magsalita. Mga burgis! May nagmessage pa sa akin sa fb na. “If you're a true cinephile. You will do anything and everything to watch the film legally. By the way, you do have lot of fragments and you're not using right punctuations. Shakespearean English is the true language of cinephile.” Tang ina mo! Burgis! Unang una sa lahat hindi ko alam yung kahulugan ng cinephile, wala akong pambili ng dictionary. Nakigamit nga lang ako ng phone nung pinost ko yung photo na yun. Oo, wala akong pansine. Tang ina, 200 pesos saan ako kukuha nun! Burgis! Pero kapag yumaman ako sa Sagada at Baguio ako magso-soul search. Burgis! Sige simulan natin ang paggawa ng formula kung paano ako nabubuhay para lang makapag-aral. 200 pesos ang baon ko sa isang linggo.



At ganito ko yun binabadyet:

a.) Pamasahe (Papunta)- 10 pesos (Mon. to Fri.) = 50

b.) Pagkain (Lunch)- Nagbabaon na lang ako ng kanin at ampalaya simula lunes hanggang huwebes. Kapag biyernes sumasama ako sa mga kaklase ko para makakain sa karinderya. Ang sarap ng student meal doon. Munggo, menudo, at unlimited tubig at sabaw. Mabubusog ka na sa halagang 50 pesos.

c.) Merienda- Bananacue at Kamote cue salitan (sampu isa)= 50

d.) Pampaseroks ng The Great Gatsby wala kasi sa library (Tingi-tingi ako magseroks kasi every week naman ang discussion) =20 (Ito ang nilalaan ko every week)

e.) Pangrent ng computer at pagpapaprint-20 f.) Mga contribution sa school-10

g.) Naglalakad na lang ako pauwi, Diliman hanggang Fairview (Charot basta naglalakad ako kasi kailangan) Ayun, sino ba ang gustong mangopya at gumawa ng mali. Kung si Mace dala niya ang buong buhay niya sa kaniyang maleta. Ako kinabukasan ko ang ibebenta ko kapag bumili pa ako ng ticket. Nagpapasalamat nga ako sa kaklase ko na kahit sa isang saglit nakapanood kami ng matalino pero nakikisamang pelikula.

Nagsasawa na rin naman kami sa mga palabas sa tv. Kaso wala nga kaming makain, pangcable pa. Tngkol sa dinownload ko lang, hindi po ito pirated. Bakit si Tito Sotto? Alam kong bawal rin yung pag-quote na walang source kahit translation.

Sinasabi ko lang na porke't wala akong reputasyon diyan sa peke niyong mundo. Bawal na ako magsalita. Maganda yung pelikula, nagisip talaga ako. Ang cute nga ng arrow at heart. Pero puwede ba tama na ring yang pagpapanggap niyo.

Mga burgis na ito may Linklater pa na pinagsasabi. Akala mo naman maiintindihan ko yun. Tigilan niyo ako mga burgis! Tang ina niyo! Akala niyo hindi ako nag-research kung kanino ko ito iha-hashtag. @BienvenidoLumbera @RolandoTolentino @Godard @NickDeOcampo @OggsCruz @PhilbertDy. PS Bakit kapag nagdadownload ng bold hindi inaano.
-Nabasa niyo ako sa balita.

“Kung alam mo lang kung paano ako binarat sa talent fee dahil grant lang yan. Kung alam mo lang na hindi masarap ang mga pagkain sa catering.” -Kilala niyo na kung sino ako

Si kilala niyo na kung sino ako sa isang presscon (Nakausap na yan ng manager) “Bilang artist siyempre na-disappoint lang ako dahil pinaghihirapan namin ang trabaho namin. Sabi ko nga sa nauna kong interview, “Paano....” I don't judge her naman, nilabas ko lang yung nararamdaman ko. In fact, magkikita kami kasi number one fan ko pala siya.” -Kilala niyo na kung sino ako (Ininterview ulit ako)
“Ako pa talaga ako minessage! Alam ko naman na pangarap ang produksiyon ng pelikula. Kahit tapos na ito mangangarap ka pa rin kung ito ay kikita dito sa sariling bansa. Ang paggawa ng pelikula ay pangarap. Proseso ng pangarap. Hanggang sa huli ay pangarap. Hindi niyo ako mapipigilan! Hindi niyo ako mapipigilan!” -Kilala niyo siya hindi niyo sa mapipigilang mag-short.

Mula sa panulat ni Jayson Fajardo

0 comments:

Post a Comment

Popular Posts