Pinoy Rebyu : Bambanti (2015)
Thursday, April 2, 2015
0
comments
Ay, ako yata yun. Ako yata yang nakita ko sa taniman ng mga mais. Di ako sigurado pero parang ako talaga yun? Napansin niyo ba ako? Siguro hindi niyo napansin o di niyo pinansin? Sige magpapakilala ako: AN ACT STRENGTHENING THE COMPREHENSIVE AGRARIAN REFORM PROGRAM (CARP), EXTENDING THE ACQUISITION AND DISTRIBUTION OF ALL AGRICULTURAL LANDS, INSTITUTING NECESSARY REFORMS, AMENDING FOR THE PURPOSE CERTAIN PROVISIONS OF REPUBLIC ACT NO. 6657, OTHERWISE KNOWN AS THE COMPREHENSIVE AGRARIAN REFORM LAW OF 1988, AS AMENDED, AND APPROPRIATING FUNDS THEREFOR
Kahit batas ako hindi naman ako magiging batas ngayon (Sa katunayan hindi nga ako sinusunod bilang isang batas.) Tagos lang talaga sa plate tectonics at core ko bilang lupa itong si Zig Dulay. Bawat frame, shots, eksena, dialouge, plot at lahat ay sobrang dumilig lang naman sa nagpoprotestang tuyong lupa ko. Kakaiba itong pelikula na nagpoprotesta ng kahalagahan ng iba't ibang isyu sa bansa. Isyu sa lupa, katarungan, moralidad, pamilya, sistema at halos lahat na hindi mo maiisip na mailalahad nito. Umikot sa isang baryo at isang pamilya ang metaphor at simile ng isang bansa at lipunan. Alam mo yun at alam naman na natin itong isyu na ito. Kaso iba eh... Hindi perpekto ang buong pelikula na may hinahanap ka sa ending. At iyon ang maganda, may hinahanap ka sa dulo. Kasi ito ang realidad, realidad sa mundo na itinatago ang katotohanan. Pero naging tamang tama lang ang timpla nito. Wala na akong masabi naging fossil fuel na yata lahat ng mga anik-anik sa akin sa mga pinagsasabi ko bilang lupa. Basta may puso ang Bambatani kaya ang ganda-ganda niya. Ang ganda ng buong dating at impresyon na dala nito na hindi kailangang sumigaw nang sumigaw. Sadyang may sinasabi lang talaga!
NAWA'Y MAPANOOD ITO NG MGA MAGSASAKA AT MAAALALA NILA ITO: The State shall recognize the right of farmers, farmworkers and landowners, as well as cooperatives and other independent farmers’ organizations, to participate in the planning, organization, and management of the program, and shall provide support to agriculture through appropriate technology and research, and adequate financial, production, marketing and other support services.
Bilang isang lupa ngayon lang ako napaluha ng ganito... Pagbigyan niyo na ako dahil huling luha ko na ito...
DAHIL BUKAS MAGIGING MALL NA AKO.
-Lupa bilang RA 9700
Dito talaga maintindihan mga matatanda. Lagi tilang turo nang turo ng mga tama pero lagi naman tilang gawa ng mga masasama. Di nga po kasi siya yung nagnakaw nun at di siya nagtitinungaling. Dail di nagtitinungaling ang mga bata. At itaw kayang paulit-ulit na paluin ta puwet. Akala mo hindi matakit? Ang takit kaya nun! Kayo kating matatanda titi nang titi na iba na ang panahon. Tapot tabi pa nang tabi po kayong matatanda na iba na kaming kabataan ta panahon ngayon. Kayo kaya may katalanan kung masama ang panahon ngayon. Tayong matanda kaya ang may kasalanan. Nai-stress nga kami ta inyo. Dami niyo kasing pinoproblema, di lang kati kayo marunong mag-share ng pantay para ta lahat. Andami kating madadamot ta inyo. Atala niyo kati kung tino kayo. Di naman kayo ti God ah. Taya magpe-pray na lang ako. Dear God Tana God tigilan na nila ang pagtatabi na ipinanganak ang tao na tinful kati di naman namin inaano ti Adam at Eve. Bata lang po kami at iyon ang katotohanan. Di nga kati namin alam lahat. Ang alam lang po namin ay bata tami.
-Batang nakapanood ng Bambatani
Mula sa panulat ni Jayson Fajardo
0 comments:
Post a Comment