Your Adsense Link 728 X 15

Binay Overload

Posted by Unknown Friday, June 26, 2015 0 comments
Binay Overload mula sa panulat ni R. Gubalane

1. Hanggang ngayon hindi ko maunawaan kung bakit laging nagta-top ‘yang si VP Binay sa mga surveys. Wala naman akong kilalang na-interview ng survey-survery na ‘yan.

2. Pagiging presidente na lang ang magsasalba kay VP Binay para hindi siya madala sa kulungan. At kung makulong man siya siguradong sa hospital lang ang destinasyon niyan.

3. ‘Pag nanalo si VP Binay, siguradong lagot ang mga kaaway niya sa pulitika. Lalo na si Pnoy, Roxas at Erice.

4. Kung ayaw niya sa mga pulitikong wala gaanong experience sa pulitika, dalawang bagay lang: Bakit pinayagan niyang kumandidato si Nancy at Bakit ikinampanya niya noon si FPJ?

5. Ang ironic lang, na noon ay nakulong siya dahil kinalaban niya ang corruption ni Marcos pero ngayon nahaharap siya sa ganung akusasyon.

6. Q: Bakit sa tuwing mag-i-speech si VP Binay, pinagmumukha niyang kawawa ang sarili niya?
    A: Nakakahakot ng boto ang mga inaapi.

7. Higit sa kulay ng balat ni Binay, ang mas mahalaga ay ang budhi. ‘Wag siyang pintasan dahil maitim ang kulay niya, batikusin mo siya dahil maitim ang intensiyon niya sa bayan.

8. Sa slogan ni VP Binay na: “Kay Binay sasaya ang buhay”, kaninong buhay kaya ang tinutukoy niya?

9. Napatunayan nating totoo ang lumang kasabihang: “Ang magnanakaw ay galit sa kapwa magnanakaw” nang gayahin at gawin ni VP Binay ang gawi ni Marcos.

10. Hindi pa rin mawala sa isip ko na ang tawag sa mga taga-suporta ni Binay ay “Binayarans”.

0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blogger news

Tungkol sa akin

Asa Pinas Eh ay isang online trend kung saan pinag-uusapan ang mga bagay na magaganda ayun sa pananaw ng isang manunulat.