Tulay Ng Pag-ibig
Saturday, March 14, 2015
0
comments
Ito yung short love story na sinulat ko noon. Sana ganito ang storya rin ng bagong teleserye ng ABS-CBN na Bridges of love. Papanoorin ko, promise! Lol
Namprel:
Pareng Dodong, ayos lang ‘yan. Magagawan mo din ng ‘yan ng paraan, ‘kaw pa, saka hindi natin sigurado kung talagang ayaw sa’yo ni Inday eh, saka biruin mo mas tisoy ka do’n kay Baldo noh, kay Tikboy, kay Bon bon at lalo na kay Junior at ‘yung iba pa.
Magkaibigang tunay sina Dodong at Namprel. Magkapatid na ang turing nila sa isa’t isa. Nagsimula ang pagiging matalik nilang magkaibigan no’ng minsang mailigtas ni Dodong si Namprel mula sa makamandag na ahas, no’ng mangaso sila sa kagubatan. Kung di agad nataga ng itak ni Dodong ang ahas ay baka natuklaw na ang nakalabas na kuyukot ni Namprel dahil feeling nito ay isa siyang swag/gangster kaya ganu’n na lang siya kung magsuot ng pantalon, hanggang hita na lang. Nakapulupot ang ahas sa isang maliit na puno kaya sakto ang pangil at kamandag nito sa sunog na kuyukot ni Namprel.
Dodong:
Pare, di ko kakayaning makita na sa iba mapunta si Inday, ikamamatay ko ‘yon. Alam mo ‘yan pare, saksi ka kung gaano ko siya pinangarap at pinapangarap. Kahit pokpok ang tingin sa kanya dito sa nayon natin dahil sa dami nang naging nobyo at mga manliligaw niya ay wala akong pakialaman pare, mahal ko pa rin siya, ‘yun ang importante sa akin, mahal ko siya at alam kong siya ang magpapasaya sa akin. Siya ang magiging ina ng mga magiging anak ko at siya ang tatawagin kong honey my love so sweet, wala nang iba pang mamahalin.
Namprel:
(Napatitig sa kaibigan.)
Ang korni mo, hehehe, pero alam ko ‘yon at naiintindihan kita, kung may magagawa lang sana ako. Kung may alam sana akong paraan o teknik sa panliligaw, itinuro ko na sana sa’yo, kaso wala akong alam eh, ni hindi ko nga alam pa’no manligaw at hanggang ngayon….
Hindi pa man natatapos ni Namprel ang kanyang sasabihin ay natawa bigla si Dodong.
Dodong:
Hanggang ngayo’y di ka pa nagkakasyota, hahahaha, syotahin mo kaya kalabaw mo, hahahaha.
Namprel:
Gago! Sige tawananan mo ‘ko! Di kami talo ng kalabaw ko, noh!
Natahimik sila sandali, pagkatapos ay humagakpak sila ng tawa.)
Dodong:
Paano kasi natatakot sa’yo ang mga babae, nasobrahan ka kasi sa pagkabarako, para kang kapeng barako na nasobrahan sa pait, hindi ka na masarap, ang pait mo na, hahaha! Bawas-bawasan mo kaya ang pagiging tigasin mo, minsan turn off sa babae ang masyadong tigasin, magpakita ka naman ng konting kahinaan, kahit konti lang. ‘Yang pagiging barako mo bawasan mo at maglagay ka ng asukal para tumamis ka.
Namprel:
Eh anong gagawin ko ganito talaga ako kung kumilos na parang naglalakad na bakal, at kung magsalita ay parang uulan dahil sa parang kulog na boses ko. Kung magagawaan lang sana ng paraan ng agham at ng mga eksperto sa medisina para maiba ang mga kilos at pananalita ko, matagal na akong nagpagamot sa kanila noh, kahit maisangla ko pa ang sakahan ko pati mga kalabaw ko, isama ko pa ang kapitbahay naming si Mang Dondie.
Nagtawanan na naman ang matalik na magkaibigan. Pagkatapos ay mahabang patlang naman ang sumunod na namagitan sa kanila, nakatingin sila pareho sa maliwanag na langit sa kabila ng kadiliman ng gabi. Pinagmamasdan nila ang mga kislap ng bituin na lalong nagpapaganda sa nakakaakit na kalangitan.
Dodong:
Alam mo pare, paminsan-minsa’y magkunwari kang natatakot din, ‘yung kahit sa ipis o sa alupihan ay takot ka. Minsan kailangan mong sabayan ang trips ng mga babae para makuha mo ang sympathy nila, kasama ang panty. ‘yung maipaparamdam mo sa kanila na gets mo sila. Naiintindihan mo sila kung bakit sila takot sa ipis, gagamba, daga, alupihan at kung anu-ano pang pinandidirihan nila, ganu’n.
Nakangiting sinulyapan ni Namprel ang kaibigan.
Namprel:
Di ba mas gusto ng isang babae ang lalakeng hanep ang tindig at porma, yung parang super hero sa pelikula, kaya siyang ipagtanggol kasi malakas, matapang, walang takot sa mga ipis, ‘yung parang mga bida sa action movies?
Dodong:
Oo, ‘yan ang mga katangian na kadalasang hinahangaan ng babae sa isang lalake, sa pisikal na aspeto ‘yan, crush ang tawag dyan o paghanga. Pero, iba pare pagdating sa pag-ibig, kung pag-ibig ang paksa, ang mga katangian na hanap ng mga babae ay yung super heroes na may kakayahang makinig sa mga daing nila sa mundo, may kakayahang damayan sila sa oras ng kalungkutan, may kakayahang hawakan at hagkan sila sa dilim at bubulong sa kanila na, “huwag kang matakot kasama mo ako.” Mareklamo ang mga babae, kaya ang kailangan nila ay tagapakinig o makikinig sa kanila, ‘yung may kakayahang maintindihan sila, maramdaman ang saloobin nila, ganun na nga. Mas epektib yan sa mga babae, weakness nila ‘yung lalaking di lang may puso kundi may taenga pa, lalaking may puso at taenga, kuha mo?
Namprel:
Hindi.
Dodong:
Ay! Ibilad mo sa ilalim ng mainit na araw yang utak mo para maging daing at nang mapakinabangan naman, hahahaha.
Tawanan na naman ang dalawa.
Namprel:
Biro lang, pero tama ka, ang galing mo talaga. Eh, pa’no yan torpe din ako eh, kapag may kausap akong babae lalo na kung gusto ko - naku po para akong natutunaw na sorbetes sa ilalim ng init ng araw!
Dodong:
Edi ang gawin mo kapag ganun na ang sitwasyon ay padilan mo sa kanya ang sorbetes para hindi masayang. Hahahaha, kung feeling mo natutunaw ka, sabihin mo, oh lady, please I am melting, lick me, lick me baby. Hahaha.
Laugh trip na naman ang dalawang magkaibigan.
Namprel:
Luko-loko ka! Alam mo, kung wish ko na maging daan ako o tulay para ibigin ka ni Inday ay gagawin ko. Tutulungan kita sa kanya. Ako ang magiging tulay mo sa puso ni Inday. Malaki ang utang na loob ko sa’yo pare, kaya kung ano mang kailangan mo para mapasagot mo si Inday, magsabi ka lang, ha.
Biglang kumidlat na parang flash ng kamera ang kalangitan.
Dodong:
Say kamoooteeeee….piniktyuran na tayo ng langit. Uwi na daw tayo dahil gabi na, magdadrama ka na naman daw. Saka baka maubusan ng gas ang lampara natin, madilim na. Tatawid ka pa ng ilog.
Namprel:
Sige, kita na lang tayo next week, punta ako bukas sa bayan para ibenta ang mga ani ko.
Dodong:
Sige, mag-iingat ka at maraming salamat ha, lagi mo akong dinadamayan, huwag kang mag-alala, pagbalik mo ililibre kita ng kamotekyu at lugaw kay Aling Maria. Food trip tayo.
Namprel:
Wala ‘yon pare, walang-wala ito sa pagsagip mo sa buhay ko…
Dodong:
Pagsagip ko sa kuyukot mo.
Natawa na naman ang dalawang magkaibigan.
Nagngitian sila, nagkatitigan pero dahil sa walang kislap sa mga mata nila, umuwi na lang sila.
~~~Kinabukasan ng 06:09am…~~~
Habang naglalakad si Dodong ay iniisip pa rin niya kung pa’no niya mapapaibig si Inday. Sa kanyang pagmumuni-muni hindi na niya napansin na umabot na pala siya sa ilog. Nangiti siya dahil bago ‘yun sa kanyang paningin.
“May bagong tulay na pala, kailan pa ito?” sa isip niya.
Habang masayang binabagtas ni Dodong ang tulay, nagulat siya dahil natanaw niyang patawid din si Inday na mukhang galing sa palengke dahil nakaayos ito. Una’y natuwa siya, nakangiti siyang pinagmamasdan ang alindog ni Inday habang naglalakad na may bitbit na bayong at peryodiko na nakaipit sa kilikili nito.
Ilang segundo lang ay nahimasmasan si Dodong mula sa pagpapantasya kay Inday. Kinabahan bigla, hindi niya alam ang gagawin. Patakbo siyang bumalik kaya nauga ang tulay, dahil dito’y muntikan nang malaglag si Inday, buti na lang ay napakapit ito sa taling nagsisilbing hawakan ng tulay. Napalingon si Dodong dahil sa narinig niyang sigaw ng babae.
Patakbong bumalik si Dodong upang iligtas si Inday kahit alam niyang malaglag man ang babae’y hindi ito mapapahamak dahil mababaw lang ang ilog.
Dodong:
Inday, ayos ka lang ba?
Inday:
Oo, nagulat lang ako dahil sa pagtakbo mo, bakit kasi?
Dodong:
Na-corner ako ng hiya nu’ng makita ka, kaya napatakbo ako.
Inday:
Ikaw talaga! Bakit naman?
Dodong:
Ganu’n talaga daw eh, kapag ang puso ng isang tao ay nakita o natagpuan o naramdaman ang kaparehas nitong puso ay bumibilis ang tibok nito, para bagang nag-uutos sa nagmamay-ari nito na ilapit dito. Kaya ayun, sa sobrang utos ng puso ko na lumapit sa puso mo, hindi ko tuloy alam ang gagawin ko. Mas nangibabaw pa rin ang kaba at ang hiya ko sa’yo, kaya tumakbo na lang ako.
Inday:
Pinakilig mo naman ako, parang nararamdaman kong gusto na rin ng puso ko na lumapit sa puso mo dahil sa mga winika mo at ginawa mong pagtulong sa akin ngayon.
Natuwa si Dodong sa mga narinig niya, kaya inimbitahan niya si Inday na magmeryenda sila sa lugawan at kamotekyuhan ni Aling Maria.
Dahil sa pangyayaring iyon ay natuwa si Inday kay Dodong. Madalas na silang magmeryenda sa lugawan ni Aling Maria, minsan ay sa tulay sila tumatambay at doon kinakain ang kamotekyu na binili nila sa tindahan ni Aling Maria.
Pagkalipas ng ilang buwan ay nagkaroon na si Inday ng paghanga sa binata, hanggang sa maging pag-ibig na ito. Makalipas ang ilang buwan ay naging magkatipan na sila.
~
Magkahawak-kamay na naglalakad sina Dodong at Inday sa ibabaw ng tulay habang sabay na pinapakinggan ang musika ng April Boys sa bagong biling Walkman ni Dodong. Tig-isa sila sa headset nito. Mula noon ay naging special na sa kanila ang tulay na ‘yon. Pinangalanan pa ito ni Dodong ng “Tulay ng Pag-ibig”. Hindi niya malilimutan ang tulay na naglapit sa kanila ng sinisintang si Inday.. Sa tulay na ’yon tumulay ang pag-ibig ni Dodong patungo sa puso ni Inday.
Kasalukuyang maririnig ang musikang Honey My Love So Sweet sa Walkman ni Dodong.
Bakit ba ako'y laging ganito
Lagi akong 'di mo pinapansin
Para na lang akong laging
Sumusunod sa gusto mo
Lagi kitang inaalala
Kahit 'di mo ako pansin
Honey my love so sweet.
Dodong:
Alam mo kung nandito siguro si Namprel, sobrang tuwa no’n dahil sa nangyari sa atin. Ang ganda ng kanta, Hani my lab sooooo swwwiiiitttt. (Paglalambing niya kay Inday.)
Kahit ako'y 'di mo pinapansin
Hindi ako nagagalit sa 'yo
Pagka't alam ko na ang iyong
Damdamin para sa 'kin
'Di mo lang alam ang aking
Nadarama 'pag kapiling ka
Honey my love so sweet.
Inday:
Saan kaya nagpunta ang kaibigan mong si Namprel? Oo nga parang istorya natin, (sasabay din) honey my love so sweeetttt.
Kahit sino ka pa basta't mahal kita
Lagi na lang akong sumusunod sa 'yo
Mahal kita at 'yan ay totoo
Honey my love so sweet.
Dodong:
Hindi ko nga alam, eh, walang nakakaalam kahit pamilya niya hindi nila alam. Lumuwas na nga sila ng Manila para hanapin, baka raw nasa mga kamag-anak. Ewan ko ba sa’n nagpunta ang gago na ‘yun, mula nu’ng gabing ‘yon pagkatapos naming mag-usap… hindi na nagpakita pa ulit sa akin. Pero, teka, ikaw talaga naaalala ko kapag naririnig ko ‘to, alay ko ‘to para sa’yo, hani may lab so swwiitttt..hehehe
Kahit ako'y 'di mo pinapansin
Hindi ako nagagalit sa 'yo
Pagka't alam ko na ang iyong
Damdamin para sa 'kin
'Di mo lang alam ang aking
Nadarama 'pag kapiling ka
Honey my love so sweet.
Inday:
H’wag kang malungkot honey my love so sweet, dahil kung sa’n man siya ngayon sigurado ako na kaligayahan mo pa rin ang hangad niya. Mahal na mahal kita, Dodong ko.
Kahit sino ka pa basta't mahal kita
Lagi na lang akong sumusunod sa 'yo
Mahal kita at 'yan ay totoo
Honey my love so sweet.
Dodong:
Alam ko honey my love so sweet, salamat. Mahal na mahal din kita Inday ng buhay ko.
Lumakas ang tugtog
Walang ibang mahal kundi ikaw lamang
Sabihin mo sa akin ako'y mahal mo rin
O giliw ko ako ay pakinggan mo
Honey my love so sweet
Honey my love so sweet
Honey my love so sweet.
At nagkatitigan sila, nag-usap ang kanilang mga mata, nagbulungan ang kanilang mga puso, at unti-unti nang nagdikit ang mga labi nila habang patapos na ang kanta ng April Boys sa Walkman ni Dodong.
No’ng gabing pauwi na ang magkaibigan…
Dodong:
Sige pare mauna ka na, dito na lang ako dadaan kasi titingnan ko pa ‘yung kalabaw ko. Ingat ka sa ilog may nagpapakita daw don, hahaha.
Namprel:
Gago! Nanakot ka pa. Baka sa ‘kin sila matakot. Ha! Haha!
Nang umabot na sa ilog si Namprel ay biglang may lumabas na nilalang sa harapan niya, totoo nga ‘yung winika ng kanyang kaibigan.
(Biglang matatakot)
Sino ka??? aahhh!!!
UNN (Unidentified Na Nilalang):
Ako ang wish master pinoy bersyon 2.0 kaya korni at OA, huwag kang matakot, hindi ako kaaway, nandito ako para tulungan ka at tuparin ang hiling mo.
(Takot parin na Namprel)
aaahhhh!!! Sino ka???
UNN:
Isa akong kai…kaibi..kaib..,narinig ko kanina ang hiling mo para sa kaibigan mo. bwehehehe
Namprel:
Hiling ko? ‘yong hiniling ko na sana maging tulay ako sa pag-iibigan nila ni Inday?
UNN:
Sakto, at good news dahil matutupad ‘yon.
Namprel:
Pa’no?
UNN:
O, eto ang bato, lunukin mo at pagkatapos ay hilingin mo ‘yon.
Di na nagpatumpik-tumpik pa si Namprel. Tapat sa loob niya ang pagtulong sa kaibigan. Buo na ang kanyang loob na gagawin ang sinasabi ng kakaibang nilalang na iyon. Kinuha niya ang bato at agad itong nilunok.
UNN:
Huwag kang sisigaw ng Darna!!!
Namprel:
(Nakapikit ang mga mata.)
Sana maging tulay o daan ako para ibigin ni Inday si Dodong.
At nakiayon ang kalikasan sa kahilingan ni Namprel.
KIDLAT
HANGIN
ULAN
HANGIN
KIDLAT
KULOG
At ilang sandali pa ay binalot ng makapal na usok ang paligid, nagkantahan ang mga palaka, nagsayawan ang mga isda sa ilog, nagpatugtog ng musical instruments ang mga kuwago at tatapusin ko na ito dahil ang korni at OA na at pasensya na. Hanggang sa unti-unti nang nagiging tulay si Namprel, literal na tulay ng ilog.
Tulay ng pag-ibig
Panulat ni A. Macarampat
imahe mula kay google |
Isang gabi sa isang probinsiya. Dinadamayan ni Namprel ang kaibigang si Dodong na problemado sa buhay-pag-ibig niya. Nakaupo ang dalawa sa isang maliit na kubo, sa may sakahan ng palay.

~~Makalipas ang kalahating taon ~~~
Magkahawak-kamay na naglalakad sina Dodong at Inday sa ibabaw ng tulay habang sabay na pinapakinggan ang musika ng April Boys sa bagong biling Walkman ni Dodong. Tig-isa sila sa headset nito. Mula noon ay naging special na sa kanila ang tulay na ‘yon. Pinangalanan pa ito ni Dodong ng “Tulay ng Pag-ibig”. Hindi niya malilimutan ang tulay na naglapit sa kanila ng sinisintang si Inday.. Sa tulay na ’yon tumulay ang pag-ibig ni Dodong patungo sa puso ni Inday.
Kasalukuyang maririnig ang musikang Honey My Love So Sweet sa Walkman ni Dodong.
Bakit ba ako'y laging ganito
Lagi akong 'di mo pinapansin
Para na lang akong laging
Sumusunod sa gusto mo
Lagi kitang inaalala
Kahit 'di mo ako pansin
Honey my love so sweet.
Dodong:
Alam mo kung nandito siguro si Namprel, sobrang tuwa no’n dahil sa nangyari sa atin. Ang ganda ng kanta, Hani my lab sooooo swwwiiiitttt. (Paglalambing niya kay Inday.)
Kahit ako'y 'di mo pinapansin
Hindi ako nagagalit sa 'yo
Pagka't alam ko na ang iyong
Damdamin para sa 'kin
'Di mo lang alam ang aking
Nadarama 'pag kapiling ka
Honey my love so sweet.
Inday:
Saan kaya nagpunta ang kaibigan mong si Namprel? Oo nga parang istorya natin, (sasabay din) honey my love so sweeetttt.
Kahit sino ka pa basta't mahal kita
Lagi na lang akong sumusunod sa 'yo
Mahal kita at 'yan ay totoo
Honey my love so sweet.
Dodong:
Hindi ko nga alam, eh, walang nakakaalam kahit pamilya niya hindi nila alam. Lumuwas na nga sila ng Manila para hanapin, baka raw nasa mga kamag-anak. Ewan ko ba sa’n nagpunta ang gago na ‘yun, mula nu’ng gabing ‘yon pagkatapos naming mag-usap… hindi na nagpakita pa ulit sa akin. Pero, teka, ikaw talaga naaalala ko kapag naririnig ko ‘to, alay ko ‘to para sa’yo, hani may lab so swwiitttt..hehehe
Kahit ako'y 'di mo pinapansin
Hindi ako nagagalit sa 'yo
Pagka't alam ko na ang iyong
Damdamin para sa 'kin
'Di mo lang alam ang aking
Nadarama 'pag kapiling ka
Honey my love so sweet.
Inday:
H’wag kang malungkot honey my love so sweet, dahil kung sa’n man siya ngayon sigurado ako na kaligayahan mo pa rin ang hangad niya. Mahal na mahal kita, Dodong ko.
Kahit sino ka pa basta't mahal kita
Lagi na lang akong sumusunod sa 'yo
Mahal kita at 'yan ay totoo
Honey my love so sweet.
Dodong:
Alam ko honey my love so sweet, salamat. Mahal na mahal din kita Inday ng buhay ko.
Lumakas ang tugtog
Walang ibang mahal kundi ikaw lamang
Sabihin mo sa akin ako'y mahal mo rin
O giliw ko ako ay pakinggan mo
Honey my love so sweet
Honey my love so sweet
Honey my love so sweet.
At nagkatitigan sila, nag-usap ang kanilang mga mata, nagbulungan ang kanilang mga puso, at unti-unti nang nagdikit ang mga labi nila habang patapos na ang kanta ng April Boys sa Walkman ni Dodong.
SEMI END
~~~~Flashback~~~~~
No’ng gabing pauwi na ang magkaibigan…
Dodong:
Sige pare mauna ka na, dito na lang ako dadaan kasi titingnan ko pa ‘yung kalabaw ko. Ingat ka sa ilog may nagpapakita daw don, hahaha.
Namprel:
Gago! Nanakot ka pa. Baka sa ‘kin sila matakot. Ha! Haha!
Nang umabot na sa ilog si Namprel ay biglang may lumabas na nilalang sa harapan niya, totoo nga ‘yung winika ng kanyang kaibigan.
(Biglang matatakot)
Sino ka??? aahhh!!!
UNN (Unidentified Na Nilalang):
Ako ang wish master pinoy bersyon 2.0 kaya korni at OA, huwag kang matakot, hindi ako kaaway, nandito ako para tulungan ka at tuparin ang hiling mo.
(Takot parin na Namprel)
aaahhhh!!! Sino ka???
UNN:
Isa akong kai…kaibi..kaib..,narinig ko kanina ang hiling mo para sa kaibigan mo. bwehehehe
Namprel:
Hiling ko? ‘yong hiniling ko na sana maging tulay ako sa pag-iibigan nila ni Inday?
UNN:
Sakto, at good news dahil matutupad ‘yon.
Namprel:
Pa’no?
UNN:
O, eto ang bato, lunukin mo at pagkatapos ay hilingin mo ‘yon.
Di na nagpatumpik-tumpik pa si Namprel. Tapat sa loob niya ang pagtulong sa kaibigan. Buo na ang kanyang loob na gagawin ang sinasabi ng kakaibang nilalang na iyon. Kinuha niya ang bato at agad itong nilunok.
UNN:
Huwag kang sisigaw ng Darna!!!
Namprel:
(Nakapikit ang mga mata.)
Sana maging tulay o daan ako para ibigin ni Inday si Dodong.
At nakiayon ang kalikasan sa kahilingan ni Namprel.
KIDLAT
HANGIN
ULAN
HANGIN
KIDLAT
KULOG
At ilang sandali pa ay binalot ng makapal na usok ang paligid, nagkantahan ang mga palaka, nagsayawan ang mga isda sa ilog, nagpatugtog ng musical instruments ang mga kuwago at tatapusin ko na ito dahil ang korni at OA na at pasensya na. Hanggang sa unti-unti nang nagiging tulay si Namprel, literal na tulay ng ilog.
*Tumunog ang stupid love ng SALBAKUTA*
THE END TALAGA
0 comments:
Post a Comment