Pinoy Rebyu : Norte, Hangganan ng Kasaysayan (2013)
Thursday, April 2, 2015
0
comments
“Ayos lang naman na mahaba pero bakit hindi diretso tapos parang ang laki pa.”
-Tao na nanood ng Norte na mahilig kumain ng hotdog
-Tao na nanood ng Norte na mahilig kumain ng hotdog
Mula sa panulat ni Jayson Fajardo
“It's long and hard, but it's juicy.”
-Metaphorical mahilig na reviewer
<CRUNCH!!!>
Panatakang Makababoy
(Bagong binaboy na edisyon)
Iniibig ko ang mga koral,
aking lupang iniiyakan,
tahanan ng aking sebo;
binubusog ako at tinutulungang
maging malaki, mataba at malaman.
Dahil mahal ko ang mga tao, lalamunin ko ang mga kaning baboy ng aking mga amo;
susundin ko ang paggulong sa putikan,
tutuparin ko ang tungkulin ng isang baboy na kakatayin; nililitson, priniprito at sinisigang
laalay ko ang aking buhay,
tuwalya, taba, pata
sa mga hinayupak na tao.
Panatang Makababoy
(Unang binaboy na edisyon)
Iniibig ko ang mga koral
Ito ang aking lupang iniiyakan
Ito ang tahanan ng aking sebo
Ako'y kanyang binubusog at pinapalamon
Upang maging malaki, mataba at siksik sa laman
Bilang ganti, diringgin ko ang payo ng aking mga amo
Susundin ko ang paggulong sa putikan kapag naiinitan
Tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang baboy na kakatayin at itutuhog sa kawayan
Paglilingkuran ko ang mga tao na tagos sa buto hanggang sa maging chicharon ang balat ko
Sisikapin kong maging isang tunay na baboy sa isip, sa salita, at sa gawa.
Maikling Kasaysayan ng mga baboy “Mito ang kasaysayan sa tao pero katotohanan ang kasaysayan ng mga baboy.” Ang mga baboy ay nagmula sa ibang lahi at ibang bansa. Kahit may natagpuang fossils at relics ng mga baboy sa Tabon at Callao. Wala talagang baboy na originally tendered and care sa Pilipinas. Dahil ayon sa mga religious group, ang mga fossil at relic na ito ay gawa lang ng mga demonyo. Pero kapag may fossil at relic ng baboy sa ibang bansa doon nagmula ang ebolusyon. Sa mga history book ng baboy galing kami sa Indones o Malay na sakay ng bangka. Oo, naglalakbay kami habang ngumangawa. Yung ibang baboy naman tumawid sa tulay na lupa o kung ano mang tulay bago makarating sa Pilipinas. Gusto ko sanang ilahad ang sibilisasyon ng baboy bago dumating ang mga Kastila kaso baboy lang kami kaya walang maniniwala sa mga baboy. Pero kung gusto mong malaman ang kasaysayan ng baboy sa pre-historic era. May mga baboy sa mga bundok na nakakaalam ng sinaunang kasaysayan ng mga baboy. Paaralan ng mga Baboy Mas nauna pa sa K-12 system ang mga baboy sa Pilipinas kaysa sa mga taong Pilipino. Dahil kapag bumigat at lumaki na ang baboy na malusog. Graduate na siya at kakatayin na! Malas nga lang na hindi ako nakapagtapos ng elementary dahil bigla na lang akong kinatay. Pero wala namang pagkakaiba ang pag-aaral ng mga baboy at Pilipino. Pagkatapos naman grumaduate ng Pilipino sa K-12, magiging alipin naman ang mga yan. Tulad kasi ng mga Pilipino ang pag-aaral ng mga baboy. Nag-aaral ang mga Pilipino at baboy para maging busabos. Hindi para maging boss. Pamahalaan ng mga baboy Masuwerte ang baboy dahil natural lang na binababoy kami ng aming pamahalaan para saan pa at naging baboy kami. Simbahan ng mga Baboy Lahat ng baboy Kristiyano... May mga baboy na rin na Born Again Christian. Pamilya ng mga Baboy Dahil baboy kami natural lang na babuyin namin ang isa't isa. Hangganan ng mga baboy Oink...oink...oink...Isa na akong chicharon kaya nga natapos ko itong pelikula ni Lav Diaz. Hindi tungkol sa mga Pilipino ang pelikula na ito. Ito ay tungkol sa mga baboy na binababoy ng sistema. Ginawa lang tao ang mga bida o karakter pero baboy sila. In short, ang baboy ng sistema na umiiral sa Pilipinas. Nagpapakatao ang mga baboy dito kahit binababoy na sila. Kaya nga ang tagal ng palabas na ito. Ang ganda kasi ng pagkakababoy sa bawat eksena. Ang pagkakababoy na mga ito ay mga katotohanan. Buti na lang naging baboy ako kaysa sa naging taong Pilipino. Mas mahalaga ang kasaysayan ng baboy kaysa sa inyo... Kahit sinasawsaw na naman ako sa suka nitong babaeng bastos sumubo ng hotdog...
0 comments:
Post a Comment