An Open Letter by El Tulisan to Dutertards
Monday, March 14, 2016
0
comments
Una sa lahat, kung ikaw ay tunay na humahanga sa isang kilalang presidentiable na kasalukuyan ay isang alkalde ng pinakalamalaking siyudad sa Pilipinas, alam ko, alam mo, at alam nating lahat na ikaw ay sibilisadong nilalang. Lalo na kung ikaw ay nakatira sa lungsod ng Davao.
Alam kong humahanga ka sa kaniya. Kaya huwag kang mangyurak ng karapatan ng ibang tao na ke nagbato lamang ng kani-kanilang suporta sa kaniyang kanidato—na taliwas sa hindi mo kagustuhan. Wala ka ring karapatan para magbato ng banta sa buhay nila. Bakit, ikaw ba ang bumuo at nagpalaki sa kanya?
Oo, wala kang K mang-bash sa social media. Eh nakikilibre ka nga lang mag-Facebook eh. Pati Twitter, Instagram, Pinterest, Tumblr, atbp. Isa pa. Akala ko ba nasa isang “free country” tayo? Pero hindi porket may kalayaan tayong magpahayag ay may kakayahan ka na rin na hindi maging responsible sa mga sinasabi mo. Pustahan, apat sa sampung kahanay niyo ay sumusuporta para lang sa sariling kapakanan. Keso kaya ko binoto to dahil secure kami. Ang sa lagay ba ay kayo lang ba ang botante dito? Kung bobotante, oo. Kayo lang siguro yun.
Baka nga dahil MEMA lang din eh. As in ME-MAboto lang sa halalang ito.
Ay, hindi ba? Sige nga, ano ang dahilan mo para iboto siya? Sumusuporta ka ba sa pederalismo? Sa kanyang pangunahing prayoridad na edukasyon (eh paglalandi nga lang ata inaatupag mo sa eskwelahan kesa mag-face ka sa iyong mga text book)? At higit sa lahat, kaya mo bang sumunod sa batas kung sakaling magkatotoo ang nais mo sa Mayo? E pucha, ultimong pagtatapon nga ng basura ay hindi mo pa magawa, tangina ka.
Utang na loob, para sa kabutihan ng kanyang kampanya sa kabila ng karumihan ng pulitika sa Pilipinas, umayos ka. Pangalan niya ang dinadala mo sa kada pag-display ng banner o sticker niya sa iyong sasakyan o tirahan.
Kung isa kang tagahanga, marunong ka dapat gumalang sa opinyon sa paligid. Baka mag-FO pa kayo ng friend-slash-pasimple FUBU mo dahil sa hindi siya panig sa kandidato mo no. Kung hindi ka fantard ay makikipagduelo ka sa isang diskurso na may substansya at kortesiya. At isa pa, huwag kang feeling maraming alam at lalong wag mag-feeling durugista, as in kaya mong durugin ang lahat sa pamamagitan ng matatalinhaga mong argumento.
Ah, okay. Keso nagsabi siya na “para makauwi na po kayo” ay pambabastos na kagad? Sa unang tingin siguro, oo. Pero yan ang hirap sa paghusga sa mga bagay na kulang-kuklang naman sa pagiintindi. Para bang nagkumento kas a saing post sa Facebook pero pamagat lang naman ang pinagbasehan mo at hindi mo naman binasa ang kabuuan ng nakasaad dun.
Sa madaling sabi, isa kang mapaghusgang tanga. Pustahan tayo, kung walang tao na nangahas na maging straightforward dun sa elbi ay hindi niyo rin papakialaman ang isyung yun.
Hindi? Sige nga. Sino bang matinong nilalang ang mambabato ng death threat sa social media dahil lamang sa isang akto na epekto ng video splicing? Para pala kayong mga puta kung ganun. Babayaran lang para kantutin kayo ng mga parokya niyo kahit may sakit pa kayong dinadala.
Bwakanangina naman oh.
Isa rin ako sa mga humahanga kay Duterte. Gaya ng karamiahn sa kanila. Pinili ko nga lang na hindi maging sobrang patola sa mga negatibong balita na ipinupukol laban sa kanya. Hindi ako nambabanta ng tao o nang-pe-friendship over dahil lamang sa magkaiba ang paniniwala namin. Dahil yan, sa totoo lang, ang resulta ng demokratikong lipunan. Nagkakaroon ng kanya-kanyang taste at choice sa buhay.
Hindi gaya niyo, na tangina akala niyo kontrolado niyo ang Pilipinas. Porket ayaw kay Duterte, ganun na kagad? Para bang Katolikong ginawang ex-communicado sa isang mababaw na dahilan?
Tangina niyo naman. Umayos nga kayo!
Mula sa panulat ni El Tulisan
0 comments:
Post a Comment