5 MYTHS ABOUT PUP THAT ARE NOT TRUE
Thursday, June 9, 2016
0
comments
1. Kapag mababa ang tuition, mababa ang quality ng education.
Kanina, narinig ko si Anthony Taberna sa UKG, kung gusto raw ng mga magulang na magkaroon ng quality education ang anak nila, kailangan nilang gumastos para hindi lang raw puro walkout ang alam gawin ng bata. Wow! Hindi ko ma-explain pero sa PUP lang yata hindi applicable ang theory na kapag mataas ang bayad, maganda ang quality ng result.
2. Lahat ng aktibista, rally lang ang alam gawin at pinapabayaan lang ang edukasyon.
Well, may higher level of education akong natamo outside the four walls of classroom. Ang argument dito: hindi rin lang nasa classroom at curriculum ang tunay na edukasyon. May tinatawag tayong Pamantasan ng Puso. Itanong niyo na lang kay Gary Granada.
3. Mas mataas ang tuition, mas mabilis ma-hire.
May mayabang na t-shirt noon sa PUP. E dahil I always wear my pride, bumili ako. Kahit mayabang. Ang nakasulat sa shirt: "Pababaan ng tuition, pataasan ng utak." Sorry naman. Pero most prefered ang mga PUPians ayon sa 2016 survey ng mga employers.
4. Puro aktibista ang mga nag-aaral sa PUP.
Hindi totoo 'yan pero ano bang masama sa pagiging maalam sa isyung panlipunan? Hanggang saan ba tayo dapat matapang? Baka naman matapang lang tayo kapag ipagtatanggol natin ang mga mahal natin, pero kapag ipagtatanggol na natin ang iba, wala na tayo. Para lang tayo lagi sa hustisya.
5. Magsusunog sila lagi ng upuan.
Year 2016 na. May nadiscover nang mga bagong planeta. May mga nadiscover na ring mga bagong isla sa mundo. Mahilig ka pa ring mag-generalize? Form of expression ng mga kapatid nating progresibo 'yun. Maiinis ka sa kanila pero balang araw, maiintindihan mo rin sila.
Para ito sa mga naging, kasalukuyan, at magiging iskolar ng bayan roon sa Sta. Mesa.
Mula sa panulat ni Jerome Lucas
Photo credit to
https://sentimentalfreak.files.wordpress.com/2013/05/392192_297595266942752_1511549821_n.jpg
0 comments:
Post a Comment