Your Adsense Link 728 X 15

Satire reflections sa pagsusulat: Mga advice ni Amang sa pagsusulat

Posted by Unknown Sunday, September 7, 2014 0 comments
Mahalaga ang satire sa kasalukuyang panahon. Ang satire ang kontrabida sa buhay ng mga pader na institusyon. Ang satire ay boses ng mga walang boses. Maraming sikat na manunulat ang gumamit ng satire bilang genre na kanilang mga akda tulad nina Kundera, Palahniuk, Golding, Burroughs, Fo, Huxley, at Orwell.
     Isa sa kanila ay si Jun Cruz Reyes, maraming manunulat na Filipino aat bibiliophiles na paborito si Jun Cruz na mas kilala sa tawag na “Amang”. Para sa mga kritiko siya ang “Ama ng Postmodernismo sa Pilipinas”. Idinadakila ang mga gawa niya tulad ng Tutubi, tutubi, Huwag kang Magpapahuli sa Mamang Salbahe (1986), Etsa Puwera (2002), Ang Huling Dalagang Bukid at ang Authobiography na Mali: Isang Imbestigasyon (2011) at Utos ng Hari at iba pang kuwento (1981) – isa sa mga paborito kong maikling kuwento ang Utos ng Hari at abangan natin ang film version nito dahil isa siya sa magagaling na maikling kuwentong Filipino na gagawing pelikula.

     Kilala rin si Amang bilang isang manunulat na hindi tumatanda ang panulat. Dahil siguro laging mga bata ang kasama niya at naniniwala siya sa mga batang manunulat na bumubuhay sa ating panitikan. Nagkakaroon rin siya ng workshop kada taon at dito marami siyang tips at unforgettable reflections at quotations.

1. Think big! (Kapag maliit ka mag-isip. Maiiwan ka!)
2. Nasaan ang puso mo? Anong pinaniniwalaan mo?
3. Seduction ay hindi lang sex. Seduction ito sa reader
4. Huwag kang naïve!
5. Huwag masyadong painosente
6. Kung ang wika ay buhay. Gamitin ang buhay na wika.
7. Gawin yung hindi pa nagawa ng iba.
8. Kung ano yung ayaw nilang tignan. Yung yung tignan natin
9. Ang writer na mahusay ay observant
10. Don't alienate the reader
11. Let it be! Itaas ang iyong standard
12. Let your hair down. Huwag niyong palakpakan ang sarili niyo!
13. Ang marunong masaktan ang nagtatagumpay.
14. Get real!
15. Huwag mo akong paniwalaan dahil ako'y fictionist
 
  Satire ba? Pero ang hindi ko malilimutan sa lahat ng sinabi niya na umikit talaga sa puso ko ay:
“Walang karapatang mag-give up ang mga nagsimula na!”

     At ito ang inspirasyon ko sa pagsusulat nito. May english version ito na ni-reject dahil least publishable raw ang mga writing tips ni Amang. Secret ko na lang kung anong website yun. Baka dumugin niyo kasi! Basta magsulat tayo na may laman at puso. It doesn't need to be perfect to be beautiful just like satire.

Mula sa panulat ni Klitiko Makakaako

0 comments:

Post a Comment

Popular Posts