Kwentong OFW : Ang Ama at Si Baby Jc (Unang Bahagi)
Saturday, August 29, 2015
0
comments
OFW, Ang Ama at Si Baby Jc (9months old)
Mula sa panulat ni Edmond Pascual
Patawarin mo ako Baby....
Hindi ko ginustong lumayo at magtrabaho sa ibang bansa....
Hindi ko iniiwasan ang mga oras na kargahin ka kapag abala ang iyong Mama sa mga gawaing bahay....
Hindi ako masaya na nakikita mo lamang ang aking litrato sa oras na ikaw ay nagsisimula ng magkaisip....
Tumawa,
Lumakad,
at Magsalita.
Hindi ko ninais na mag-isip ka kung bakit boses ko lang ang iyong naririnig sa telepono....
Hindi ko sinadyang manabik ka sa aking mga yakap at halik....
Hindi ko pinagtatakpan ng mga laruang aking pinadadala ang panahong dapat ay kalaro kita.
Hindi ko sinadyang iwanan ka pero kailangang ihanda ko ang iyong kinabukasan......
Upang sa takdang panahon....
Na ako ay totoong lilisan na....
Hindi ka mahihirapan sa buhay kapag ikaw ay katulad kong...
Isa ng Ama.
I miss you so much, Baby.
I love you.
Edmond Pascual
0 comments:
Post a Comment