Your Adsense Link 728 X 15

Pinoy Rebyu : Lisyun Qng Geografia

Posted by Unknown Monday, August 24, 2015 0 comments
Dear Jesus,

Kumusta ka na?

Hindi ko alam kung bakit kita naalala kita nung mapanood ko ang Lisyun qng Geografia. Kung naalala man kita o naalala ko lang ang alaala dahil ito ay isang alaala. Hindi ko talaga alam---tulad ng hindi ko alam kung bakit ko ito pinanood ng mga apat na beses o limang beses na yata. Hindi ko alam, ang alam ko lang naalala lang kita. Siguro dun sa pakikinig nila ng music. Kasi nung magkaklase pa tayo. Pumupunta tayo sa paborito nating lugar na tayong dalawa lang ang nakaaalam. Pinakikinggan din natin ang paborito nating kanta ng Hillsong na Forever Reign. Ganito pa nga yung lyrics nun, “The riches of your love will always be enough...” Ang ganda ng boses mo kapag kumakanta tayo. Kahit kailan hindi ko yun magagawa kasi ang panget ng boses ko haha... Pagkatapos nun, pagkatapos nun. Hindi ko alam kung bakit, hindi ko alam kung bakit natin hinahawakan ang kamay ng isa't isa. Hindi ko alam kung bakit ka sumasandal sa balikat ko. Hindi ko alam kung bakit ka nagpapapasan sa akin. Hindi ko alam kung bakit natin pinagkukuwentuhan ang pamilya at kaibigan natin. Hindi ko alam, hindi ko alam. Ang alam ko lang kaibigan kita. Ang alam ko lang mahal kita. At ang alam ko lang bawal. Bawal kasi parehas tayo ng kasarian...


Isang araw hindi na kita pinansin pero ikaw yung taong dahil mahal na mahal mo ang Diyos ay pilit pa ring gumawa ng paraan para mapansin kita. Kaya tuwang-tuwa ka dahil ikaw yung partner ko na critic sa mga ginawa nating dagli para sa subject na Filipino. At tuwang-tuwa naman ako dahil sinabi ni teacher na kailangang basahin sa harap ng klase ang piyesa bago i-critique ng partner. Kaya bago ang araw sa pagki-critique itinodo ko ang lahat...

"Sumakay sa jeep ang dalawang may titi. Magkasabay sila at magkakilala. Nag-uusap
mahirap raw ang mag-aral. Inabot ang barya. Yung isa malapit lang. Yung isa malayo yata."

PARA SA BUONG DAGLI: https://www.facebook.com/salmanandsalman/posts/10206792797279469

Pagkatapos nun hindi mo na ako pinansin. Hindi na rin kita pinansin. Pagkatapos nun minsan naaalala pa rin kita at parang espadang naligaw ang alaala na iyon na biglang tinutusok ang puso ko.

Pero mas naaalala ko yung dagling ito... Mas masarap manganak ang sakit at hapdi. Hindi ko alam kung may ganito ring pakiramdam yung gumawa ng Lisyun qng Geografia. Pero tulad sa Geography Lessons ang sarap lang tahakin ng direksiyon kung bumangon ka sa pagkakadapa.

Nagmamahal,
Abraham

Mula sa panulat ni Jayson Fajardo

0 comments:

Post a Comment

Popular Posts