Your Adsense Link 728 X 15

Dagitab | Vox stultus?

Posted by Unknown Monday, October 20, 2014 0 comments
Vox stultus? (Dahil hindi lang naman matatalino ang nanonood ng mga pelikula)

Dagitab

Isang pelikulang kalahok sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival noong Agosto 1 hanngang 10, 2014 na ginanap sa Cultural Center of the Philippines, Roxas Boulevard, Maynila, Pilipinas.

Rating: Mamasa-masa

Narito ang ilan sa mga kuro-kuro ng ilang mga nanood ng Dagitab.

 Buti pa yung diwata sa Dagitab nagpakita ng mani. Eh yung sirena na si Dyesebel kahit na isda na, hindi man lang nagpakita ng tilapia. Nasaan ba kasi ang puke ng mga sirena? Mas maigi pa talaga ang liyab at kuryenteng dulot ng Dagitab. Linya pa lang mapapaso na sa init ang puso mo.
-Tambay na nanood ng Dagitab

Sarah at ang mga munting Patatas Memes

Posted by Unknown Sunday, October 19, 2014 0 comments

Batang 90’s at mukhang cartoons,  alam ko ang madamdaming istorya ni Sarah ang Munting Prinsesa.  Napanood ko ito nang ilang beses (hello may rerunning na may marathon pa ang mga cartoons sa local channels), pati na ang film adaptation nito na kung saan nagbida si Camille Prats bilang si Sarah at nagmaldita si Jean Garcia bilang si Madame Claudia  Miss Minchin.

Ang curriculum ng pag-ibig

Posted by Unknown Tuesday, October 7, 2014 0 comments
Narito ang 20 na curriculum ng pag-ibig

1. Ang pag-ibig ay parang masscom. Akala mo mas komportable pag meron.
2. Ang pag-ibig ay parang accounting. Kailangan laging balanse.
3. Ang pag-ibig ay parang chemistry. Dapat laging may reaction at bond.
4. Ang pag-ibig ay parang physics. Kailangan ng friction, energy, at work.
5. Ang pag-ibig ay parang education. Sandamakmak ang lesson at exams.
6. Ang pag-ibig ay parang political science. Minsan siya ang legislative branch. Minsan ikaw ang executive branch. O vice versa. Minsan walang justice.
7. Ang pag-ibig ay parang electrical engineering. Nagsisimula sa sparks.
8. Ang pag-ibig ay parang history. When the past is revisited, away na ‘yan!
9. Ang pag-ibig ay parang theatre arts. Kapag may black curtain, lahat nagiging bulag.
10. Ang pag-ibig ay parang psychology. Personality traits matter.

Sampung Ebolusyon ng Kabataan Noon at Ngaun

Posted by Unknown Tuesday, September 30, 2014 0 comments
Narito ang sampung dahilan kung anu ang pinagkaiba ng mga kabataan noon sa ngaun.


1. Number sign pa ang tawag dito noon # pero ngayon, HASHTAG na.
2. Wala pang gamit dati ang mga letra sa dial pad ng analog na telepono, pero ngayon, importante na sila dahil sa text message ng cellphone.
3. Wire lang ng kuryente ang kahulugan noon ng Cable pero ngayon Satellite TV na.
4. Ang text (teks) para sa mga bata noon ay maliit na kartong may drowing, ngayon term na ito para sa SMS ng cellphone.
5. Ang katumbas lang ng unli-chat noon ay ang umpukan ng mga nanay sa kantong may tindahan, ngayon nag-evolve na siya as promo ng telcos.

The Bobo Bill ng Pinas

Posted by Unknown Sunday, September 21, 2014 0 comments
Sa dami ng batas sa Pilipinas tila hindi na natin kailangang dagdagan pa ang mga batas na ito. Ang kailangan lang natin ay ipatupad ito ng ating pamahalaan thru local government o kung sinumang otoridad ang dapat na nakakasakop dito.


Malaking kontribusyon sa pagpapaunlad ng bansa ang mahigpit na pagpapatupad ng batas ng otoridad at kung ‘yung mga law enforcer natin ay hinahayaan lang ang mga violator na ito na sumasalaula sa mga batas na nakahain, siguradong wala kang aasahang katinuan at kaayusan.

Kaya ‘wag ka nang magtaka kung bakit patuloy nasinasalaula ang mga batas sa Pilipinas dahil magmula sa pinakamahihirap na mamamayan hanggang sa pinakamayayaman hanggang sa kagalang-galang umanong politiko ay binabalewala ang iba’t-ibang mga batas, polisiya at ordinansa. At lahat sila’y hindi sinisita lalo’t hindi sila hinahabla.

Satire reflections sa pagsusulat: Mga advice ni Amang sa pagsusulat

Posted by Unknown Sunday, September 7, 2014 0 comments
Mahalaga ang satire sa kasalukuyang panahon. Ang satire ang kontrabida sa buhay ng mga pader na institusyon. Ang satire ay boses ng mga walang boses. Maraming sikat na manunulat ang gumamit ng satire bilang genre na kanilang mga akda tulad nina Kundera, Palahniuk, Golding, Burroughs, Fo, Huxley, at Orwell.
     Isa sa kanila ay si Jun Cruz Reyes, maraming manunulat na Filipino aat bibiliophiles na paborito si Jun Cruz na mas kilala sa tawag na “Amang”. Para sa mga kritiko siya ang “Ama ng Postmodernismo sa Pilipinas”. Idinadakila ang mga gawa niya tulad ng Tutubi, tutubi, Huwag kang Magpapahuli sa Mamang Salbahe (1986), Etsa Puwera (2002), Ang Huling Dalagang Bukid at ang Authobiography na Mali: Isang Imbestigasyon (2011) at Utos ng Hari at iba pang kuwento (1981) – isa sa mga paborito kong maikling kuwento ang Utos ng Hari at abangan natin ang film version nito dahil isa siya sa magagaling na maikling kuwentong Filipino na gagawing pelikula.

Popular Posts