Your Adsense Link 728 X 15

Sampung Ebolusyon ng Kabataan Noon at Ngaun

Posted by Unknown Tuesday, September 30, 2014 0 comments
Narito ang sampung dahilan kung anu ang pinagkaiba ng mga kabataan noon sa ngaun.


1. Number sign pa ang tawag dito noon # pero ngayon, HASHTAG na.
2. Wala pang gamit dati ang mga letra sa dial pad ng analog na telepono, pero ngayon, importante na sila dahil sa text message ng cellphone.
3. Wire lang ng kuryente ang kahulugan noon ng Cable pero ngayon Satellite TV na.
4. Ang text (teks) para sa mga bata noon ay maliit na kartong may drowing, ngayon term na ito para sa SMS ng cellphone.
5. Ang katumbas lang ng unli-chat noon ay ang umpukan ng mga nanay sa kantong may tindahan, ngayon nag-evolve na siya as promo ng telcos.

The Bobo Bill ng Pinas

Posted by Unknown Sunday, September 21, 2014 0 comments
Sa dami ng batas sa Pilipinas tila hindi na natin kailangang dagdagan pa ang mga batas na ito. Ang kailangan lang natin ay ipatupad ito ng ating pamahalaan thru local government o kung sinumang otoridad ang dapat na nakakasakop dito.


Malaking kontribusyon sa pagpapaunlad ng bansa ang mahigpit na pagpapatupad ng batas ng otoridad at kung ‘yung mga law enforcer natin ay hinahayaan lang ang mga violator na ito na sumasalaula sa mga batas na nakahain, siguradong wala kang aasahang katinuan at kaayusan.

Kaya ‘wag ka nang magtaka kung bakit patuloy nasinasalaula ang mga batas sa Pilipinas dahil magmula sa pinakamahihirap na mamamayan hanggang sa pinakamayayaman hanggang sa kagalang-galang umanong politiko ay binabalewala ang iba’t-ibang mga batas, polisiya at ordinansa. At lahat sila’y hindi sinisita lalo’t hindi sila hinahabla.

Satire reflections sa pagsusulat: Mga advice ni Amang sa pagsusulat

Posted by Unknown Sunday, September 7, 2014 0 comments
Mahalaga ang satire sa kasalukuyang panahon. Ang satire ang kontrabida sa buhay ng mga pader na institusyon. Ang satire ay boses ng mga walang boses. Maraming sikat na manunulat ang gumamit ng satire bilang genre na kanilang mga akda tulad nina Kundera, Palahniuk, Golding, Burroughs, Fo, Huxley, at Orwell.
     Isa sa kanila ay si Jun Cruz Reyes, maraming manunulat na Filipino aat bibiliophiles na paborito si Jun Cruz na mas kilala sa tawag na “Amang”. Para sa mga kritiko siya ang “Ama ng Postmodernismo sa Pilipinas”. Idinadakila ang mga gawa niya tulad ng Tutubi, tutubi, Huwag kang Magpapahuli sa Mamang Salbahe (1986), Etsa Puwera (2002), Ang Huling Dalagang Bukid at ang Authobiography na Mali: Isang Imbestigasyon (2011) at Utos ng Hari at iba pang kuwento (1981) – isa sa mga paborito kong maikling kuwento ang Utos ng Hari at abangan natin ang film version nito dahil isa siya sa magagaling na maikling kuwentong Filipino na gagawing pelikula.

Popular Posts