Your Adsense Link 728 X 15

Bina-bash ngayon si Marlou dahil sa diumano'y paggigiit niya na 10k ang TF niya

Posted by Unknown Monday, June 20, 2016 0 comments
Bina-bash ngayon si Marlou dahil sa diumano'y paggigiit niya na 10k ang TF niya.

Napaisip tuloy ako: bakit ang mga tituladong guro at iskolar ng iba't ibang larangan, libre ang mga panayam sa mga telebisyon at radyo?

Wala bang halaga ang kanilang oras at pag-aabala? Hindi ba binibili rin nila ang mga libro at dokumentong inaaral nila? Hindi ba ilang semestreng matrikula ang binayaran nila para makamit ang mga titulo nila? Madali lang ba ang humarap sa camera at ipaliwanag sa loob ng iilang minuto lang ang mga paksang ilang taon nilang sinaliksik? Hindi ba delikado sa reputasyon ng kinapanayam ang pag-eedit ng kanyang mga sinabi bago umere sa telebisyon? Paano kung maiba ang kahulugan ng kanyang mga pahayag at ikasira niya ito?

5 MYTHS ABOUT PUP THAT ARE NOT TRUE

Posted by Unknown Thursday, June 9, 2016 0 comments

1. Kapag mababa ang tuition, mababa ang quality ng education.

Kanina, narinig ko si Anthony Taberna sa UKG, kung gusto raw ng mga magulang na magkaroon ng quality education ang anak nila, kailangan nilang gumastos para hindi lang raw puro walkout ang alam gawin ng bata. Wow! Hindi ko ma-explain pero sa PUP lang yata hindi applicable ang theory na kapag mataas ang bayad, maganda ang quality ng result.

An Open Letter by El Tulisan to Dutertards

Posted by Unknown Monday, March 14, 2016 0 comments
Mga minamahal na kababayan...

Una sa lahat, kung ikaw ay tunay na humahanga sa isang kilalang presidentiable na kasalukuyan ay isang alkalde ng pinakalamalaking siyudad sa Pilipinas, alam ko, alam mo, at alam nating lahat na ikaw ay sibilisadong nilalang. Lalo na kung ikaw ay nakatira sa lungsod ng Davao.

Alam kong humahanga ka sa kaniya. Kaya huwag kang mangyurak ng karapatan ng ibang tao na ke nagbato lamang ng kani-kanilang suporta sa kaniyang kanidato—na taliwas sa hindi mo kagustuhan. Wala ka ring karapatan para magbato ng banta sa buhay nila. Bakit, ikaw ba ang bumuo at nagpalaki sa kanya?

Oo, wala kang K mang-bash sa social media. Eh nakikilibre ka nga lang mag-Facebook eh. Pati Twitter, Instagram, Pinterest, Tumblr, atbp. Isa pa. Akala ko ba nasa isang “free country” tayo? Pero hindi porket may kalayaan tayong magpahayag ay may kakayahan ka na rin na hindi maging responsible sa mga sinasabi mo. Pustahan, apat sa sampung kahanay niyo ay sumusuporta para lang sa sariling kapakanan. Keso kaya ko binoto to dahil secure kami. Ang sa lagay ba ay kayo lang ba ang botante dito? Kung bobotante, oo. Kayo lang siguro  yun.

Tanghalang Pilipino's Mabining Mandirigma : Mahirap mag-isip bilang Pilipino?

Posted by Unknown Friday, February 19, 2016 0 comments
Para masimulan bagong katungalian kailangan mabuksan ang asemble national nabubuuin ng mga kababayan ng siyang lilikha ng panukalang batas. 

"Mahirap magisip bilang Pilipino."
 -Liesl Batucan bilang Apolinario Mabini

"Mapait na sumpa ang maging marunong."
-Carol Bello bilang Dionisia

Popular Posts