Your Adsense Link 728 X 15

Ang Aldub, Ang Pastillas Girl at Ang Heneral Luna

Posted by Unknown Monday, September 28, 2015 0 comments
AlDub
I am an ALDUB fan.. Inaadmit ko iyan. everytime na nanunuod ako, ang sirang puso ko sa matagal na panahon ay kinikilig pa rin. It means tao parin ako. Yun ang nagagawa sakin nun thats why I love it. Also I am a fan of "Its Showtime". Not pastillas but showtime. And I admit majority din ng pinapanuod ko ay kapamilya. So di ako makapagsabi ng masama sa Showtime. Pwera lang ung naghalikan si vice at karylle. Nakakakilabot eh.

Pinoy Rebyu : ‎Heneral Luna‬

Posted by Unknown Friday, September 18, 2015 0 comments
Ang mga ito ang naisip ko pagkatapos kong mapanood ang ‪#‎HeneralLuna‬:


1. Kahit pala noong araw, ang mga pilipino’y sadyang ayaw magpasakop sa batas pero ang nakakainis, marami ang gustong magpasakop sa banyaga.

Kwentong OFW : Ang Ama at Si Baby Jc (Unang Bahagi)

Posted by Unknown Saturday, August 29, 2015 0 comments
OFW, Ang Ama at Si Baby Jc (9months old)
Mula sa panulat ni Edmond Pascual

Patawarin mo ako Baby....

Hindi ko ginustong lumayo at magtrabaho sa ibang bansa....

Hindi ko iniiwasan ang mga oras na kargahin ka kapag abala ang iyong Mama sa mga gawaing bahay....

Hindi ako masaya na nakikita mo lamang ang aking litrato sa oras na ikaw ay nagsisimula ng magkaisip....

Tumawa,

Lumakad,

at Magsalita.

Hindi ko ninais na mag-isip ka kung bakit  boses ko lang ang iyong naririnig sa telepono....

Hindi ko sinadyang manabik ka sa aking mga yakap at halik....

Mga dapat ihanda kapag magmamahal

Posted by Unknown Wednesday, August 26, 2015 0 comments
Mga dapat ihanda kapag magmamahal
Mula sa panulat ni Akoni Macarampat

Kredit sa may-ari ng imahe

Rated R: Para lang sa may edad na labing walo pataas at pababa sa sweet 16.

Lahat siguro ng nilalang sa mundong ito ay nakakaramdam ng pagmamahal at gustong magkaroon ng minamahal at syempre gusto din mahalin. Pero nang dahil sa pag-ibig na ito, marami ang nasasaktan, marami ang nagdurusa, at minsan ay nagdudulot ng kamatayan sa isang tao.
Magbibigay ako sa inyo ng tips na mga dapat ninyong ihanda kapag magmamahal kayo at papasok na sa isang relasyon.

Ang OFW at Ang Balikbayan Box

Posted by Unknown Tuesday, August 25, 2015 0 comments
Dear Ma,

Nagpagahe na ako at sa Black Garbage Bag ko na lang inilagay kasi sayang lang ang Karton na gagamitin ko kasi lasog lasog din naman pagdating dyan. 10 riyals yung medium na kahon dito bale 130 Pesos din yun at pwede ng pangbili ng pang ulam nyo na isang kilong Galunggong na nagsimulang maging napakamahal nung matapos ang Edsa Revolution dyan sa atin.

Kredit sa may-ari ng larawan
At isa pa nakatipid din ako sa Packaging tape na 5 riyals ang isang rolyo nun dito, maghihirap lang akong magsara ng Balikbayan Box tapos bubuksan lang dyan at kapag isinara ulit isang hatak lang ng tape ang ilalagay at di pa madikit. Mas malagkit pa yata ang kanin eh kesa sa Custom Tape nila.

Pinoy Rebyu : Lisyun Qng Geografia

Posted by Unknown Monday, August 24, 2015 0 comments
Dear Jesus,

Kumusta ka na?

Hindi ko alam kung bakit kita naalala kita nung mapanood ko ang Lisyun qng Geografia. Kung naalala man kita o naalala ko lang ang alaala dahil ito ay isang alaala. Hindi ko talaga alam---tulad ng hindi ko alam kung bakit ko ito pinanood ng mga apat na beses o limang beses na yata. Hindi ko alam, ang alam ko lang naalala lang kita. Siguro dun sa pakikinig nila ng music. Kasi nung magkaklase pa tayo. Pumupunta tayo sa paborito nating lugar na tayong dalawa lang ang nakaaalam. Pinakikinggan din natin ang paborito nating kanta ng Hillsong na Forever Reign. Ganito pa nga yung lyrics nun, “The riches of your love will always be enough...” Ang ganda ng boses mo kapag kumakanta tayo. Kahit kailan hindi ko yun magagawa kasi ang panget ng boses ko haha... Pagkatapos nun, pagkatapos nun. Hindi ko alam kung bakit, hindi ko alam kung bakit natin hinahawakan ang kamay ng isa't isa. Hindi ko alam kung bakit ka sumasandal sa balikat ko. Hindi ko alam kung bakit ka nagpapapasan sa akin. Hindi ko alam kung bakit natin pinagkukuwentuhan ang pamilya at kaibigan natin. Hindi ko alam, hindi ko alam. Ang alam ko lang kaibigan kita. Ang alam ko lang mahal kita. At ang alam ko lang bawal. Bawal kasi parehas tayo ng kasarian...

Usapang Balikbayan Box

Posted by Unknown 0 comments
Trending sa lahat ng social media platform (hindi ang aldub) ang isyu tungkol sa Balikbayan Boxes na pinadadala ng ating mga kababayang OFW na kung tawagin ng gobyerno ay Bagong Bayani pero hindi naman bayani kung kanilang ituring.

Tinatayang aabot sa 12 milyon ang OFW na nakakalat sa iba’t ibang panig ng mundo at kung susumahin ang kanilang remittances taon-taon, tinatayang mahigit ito sa US$21 bilyon. Ibig sabihin, ang OFW’s ay may napakalaking role na ginagampanan para sabihing ang ekonomiya ng bansang Pilipinas ay sumisipa pa at may ipinagyayabang pa.

Ang malaking bilang na ito (12 milyon) na ating mga kababayan ay nagsisikap, nagtitiis, nagpapaalipin, nagpapaalila, nagtitiyaga, nagtitipid para sa kinabukasan ng kani-kanilang pamilya para sa isang pangarap.

Binay Overload

Posted by Unknown Friday, June 26, 2015 0 comments
Binay Overload mula sa panulat ni R. Gubalane

1. Hanggang ngayon hindi ko maunawaan kung bakit laging nagta-top ‘yang si VP Binay sa mga surveys. Wala naman akong kilalang na-interview ng survey-survery na ‘yan.

2. Pagiging presidente na lang ang magsasalba kay VP Binay para hindi siya madala sa kulungan. At kung makulong man siya siguradong sa hospital lang ang destinasyon niyan.

3. ‘Pag nanalo si VP Binay, siguradong lagot ang mga kaaway niya sa pulitika. Lalo na si Pnoy, Roxas at Erice.

Tripol Peysfalm

Posted by Unknown Saturday, May 2, 2015 0 comments
First working title: P.L.I. (Putanginang Lipunang Ito)


Isang tulang sinulat habang nasa biyahe’t naiinis sa balita
Balitang hindi ko alam kung parte pa ‘to ng buhay natin o isang plot na ng sarswela
Bawal sa tanga’t magagalit kung sakaling matatamaan
ng isang piyesang sadyang malayo sa tipikal na sukat at taludturan

Putanginang lipunang ito
Oo, as in putanginang lipunang ito.
Ang dami niyong reklamo ang dami niyong satsat
Oo sa dami n'yong hinaing ang gumagalaw lang sa inyo’y bunganga

Bunganga mula sa isang taong hindi ginamit ang utak
Bunganga mula sa walang bulok na basura ang nilamutak
Bakit ‘di nalang gawing sisig ang inyong utak
Baka sakali lang ay tumalab pa iyong mga putak dito

At oo, ano nga bang tinutukoy ko rito?
Tignan mo ang kaso ni Veloso
Na sasobrang bagal nga at mala-teleserye ang ikot
ang mga tao tuloy ay nababagot

May gana pa kayong magreklamo sa gobyerno
samantalang hindi nga kayo sumusunod sa batas-trapiko?
Tanginang lipunang ‘to oh
Parang mga gago lang na walang inatupag kundi umasa sa libre
at kung pumalya ay may gana pang maging demanding na pobre

Ba’t di pa ‘to bigyan ng sobre
na naglalaman ng isang libong tigpipiso
na may sulat na nagsasabing “pakisampal sa sarili mo, please?”
at uulitin mo mula umpisa kung sakaling dumaplis

Balik sa kaso ni Mary Jane Veloso
na halos muntik na tayong ma-lost oh
nung tinutukan natin to sa social media

Masyado bang marahas ang Indonesia?
Hindi. Ginawa lamang nila ang trabaho nila.
Yun nga lang, kung mali sa huradikatura ay hindi na' to maitatama
kung sakali man siyang parusahan ng kamatayan

Pero teka, naisalba naman pala siya eh kahit pansamantala man lang
Kaya sa halip na magreklamo
Ay bakit di niyo bigyan ng credit ang Pangulo?

Tayo ang boss ‘di ba? Nakinig naman yata siya sa atin
Pero pagkatapos ng lahat, ang kakapal ng mukha natin
na mangamkam ng pagbibigay-kilala
Akala niyo naman tayo nagpunta mismo at nakibaka sa presidente ng Indonesia

Pustahan, kung natuloy ang bitay sa kanya
Sisihin mo pa si tandang kuya
At kung mangyari yan, ay pucha naman
Isang siklo na ito na hindi na marerekta

Tapos yung nanay ay ingrata?
Tangina, dito nababagay ang persona non grata!
Sa itim ng sinabi niya, pwede na siyang buhusan ng gata
Baka sakali pa malinisan pa ang utak mula sa pagbebrainwash

Oo,tanginang lipuang ito ulit!
At uultin ko, tanginang lipunang ito.
Kung panay reklamo kayo
Siguraduhin niyo muna na walang ginawang matino
ang gobyernong ito para sa bawat isa sa’ting mga mamamayan rito.

Hindi perpekto ang nasa itaas at bagkus relulta lamang ito kung gaano kayo kamangmang
Oo, mga ungas, kayo bumoto d’yan, ‘di ba? Ika nga, you get what you pay for
At sa susunod na magrereklamo ka sa pamahalaan, be careful what you wish for
At ayaw kong gumamit ng metaphor, dahil hindi kayo nakakaintindi
Satire nga lang ang sinulat, iniiyakan niyo pa rin.

Iniiyakan sa inis
Nagaglit sa inis
Ang lalakas magcomment, mga nagmamalinis!

Magpakatotoo nga tayo, pucha
Ano bang naitulong niyo sa bansang ito?
Magreklamo habang nagtatapon ng basura sa kung saan-saan?
Tas hihiritan niyo kong "Trabaho ng Metro Aide yan!"?

Mga ulol, lokohin niyo lelong niyong panot!
Sa sobrang supot ng utak niyo
nakaklimutan niyong gawin ang parte niyo.

Tanginang lipunang ito
Oo, putanginang lipunang ito
At uulitin ko, putanginang lipunang ito!

P.S. Kung naiinis ka sa mura ko,
problema mo na yun!
Ay, kasalanan din ba ng gobyerno?
Pero oo, kasama ka pa rin dun
dahil kabilang ka sa bumuo nito ngayon!

Nagsulat ng tula : Tulisan  (c) 2015 

Pinoy Rebyu : Crazy Beautiful You (2015)

Posted by Unknown Thursday, April 2, 2015 0 comments
Headlines: Kathniel and Jadine fans, nagsaksakan



Sugatan ang isang Kathniel fan at isang Jadine fan matapos magtusukan gamit ang kani-kanilang selfie stick. Naganap ito sa CR ng isang mall sa Makati. Diumano dumanak ng dugo dahil sa Kathniel forever o Jadine forever na diskusyon.


Pinoy Rebyu : Bambanti (2015)

Posted by Unknown 0 comments

Ay, ako yata yun. Ako yata yang nakita ko sa taniman ng mga mais. Di ako sigurado pero parang ako talaga yun? Napansin niyo ba ako? Siguro hindi niyo napansin o di niyo pinansin? Sige magpapakilala ako: AN ACT STRENGTHENING THE COMPREHENSIVE AGRARIAN REFORM PROGRAM (CARP), EXTENDING THE ACQUISITION AND DISTRIBUTION OF ALL AGRICULTURAL LANDS, INSTITUTING NECESSARY REFORMS, AMENDING FOR THE PURPOSE CERTAIN PROVISIONS OF REPUBLIC ACT NO. 6657, OTHERWISE KNOWN AS THE COMPREHENSIVE AGRARIAN REFORM LAW OF 1988, AS AMENDED, AND APPROPRIATING FUNDS THEREFOR

Pinoy Rebyu : Burgis na "That Thing Called Tadhana" (2014)

Posted by Unknown 0 comments
Tapos na ba ba kayong manghusga? Akala niyo wala akong nararamdaman. Maka-judge kayo, bakit close ba tayo! Talagang naka-print screen pa kung paano ako napahiya. Porke't ako ang mali bawal na ako magsalita. May karapatan din naman akong magsalita. Mga burgis! May nagmessage pa sa akin sa fb na. “If you're a true cinephile. You will do anything and everything to watch the film legally. By the way, you do have lot of fragments and you're not using right punctuations. Shakespearean English is the true language of cinephile.” Tang ina mo! Burgis! Unang una sa lahat hindi ko alam yung kahulugan ng cinephile, wala akong pambili ng dictionary. Nakigamit nga lang ako ng phone nung pinost ko yung photo na yun. Oo, wala akong pansine. Tang ina, 200 pesos saan ako kukuha nun! Burgis! Pero kapag yumaman ako sa Sagada at Baguio ako magso-soul search. Burgis! Sige simulan natin ang paggawa ng formula kung paano ako nabubuhay para lang makapag-aral. 200 pesos ang baon ko sa isang linggo.

Pinoy Rebyu : Norte, Hangganan ng Kasaysayan (2013)

Posted by Unknown 0 comments
“Ayos lang naman na mahaba pero bakit hindi diretso tapos parang ang laki pa.” 
-Tao na nanood ng Norte na mahilig kumain ng hotdog
 
Mula sa panulat ni Jayson Fajardo 

“It's long and hard, but it's juicy.” 

-Metaphorical mahilig na reviewer

<CRUNCH!!!>

Panatakang Makababoy 
(Bagong binaboy na edisyon) 
Iniibig ko ang mga koral,
aking lupang iniiyakan,
tahanan ng aking sebo;
binubusog ako at tinutulungang
maging malaki, mataba at malaman.
Dahil mahal ko ang mga tao, lalamunin ko ang mga kaning baboy ng aking mga amo;
susundin ko ang paggulong sa putikan,
tutuparin ko ang tungkulin ng isang baboy na kakatayin; nililitson, priniprito at sinisigang
nang buong taba at laman.

Tulay Ng Pag-ibig

Posted by Unknown Saturday, March 14, 2015 0 comments
Ito yung short love story na sinulat ko noon. Sana ganito ang storya rin ng bagong teleserye ng ABS-CBN na Bridges of love. Papanoorin ko, promise! Lol

Tulay ng pag-ibig
Panulat ni A. Macarampat

imahe mula kay google
Isang gabi sa isang probinsiya. Dinadamayan ni Namprel ang kaibigang si Dodong na problemado sa buhay-pag-ibig niya. Nakaupo ang dalawa sa isang maliit na kubo, sa may sakahan ng palay.

Namprel:
Pareng Dodong, ayos lang ‘yan. Magagawan mo din ng ‘yan ng paraan, ‘kaw pa, saka hindi natin sigurado kung talagang ayaw sa’yo ni Inday eh, saka biruin mo mas tisoy ka do’n kay Baldo noh, kay Tikboy, kay Bon bon at lalo na kay Junior at ‘yung iba pa.
Magkaibigang tunay sina Dodong at Namprel. Magkapatid na ang turing nila sa isa’t isa. Nagsimula ang pagiging matalik nilang magkaibigan no’ng minsang mailigtas ni Dodong si Namprel mula sa makamandag na ahas, no’ng mangaso sila sa kagubatan. Kung di agad nataga ng itak ni Dodong ang ahas ay baka natuklaw na ang nakalabas na kuyukot ni Namprel dahil feeling nito ay isa siyang swag/gangster kaya ganu’n na lang siya kung magsuot ng pantalon, hanggang hita na lang. Nakapulupot ang ahas sa isang maliit na puno kaya sakto ang pangil at kamandag nito sa sunog na kuyukot ni Namprel.

Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa (2011) | Vox stultus

Posted by Unknown Monday, March 2, 2015 0 comments
Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa (2011) 
Manulat ni Jayson Fajardo

Ang “Epic” ng mga...
Kaliwa: Kung hindi ka titigil. Sasapakin na kita!
Kanan: Subukan mo kung kaya mo...
Kaliwa: Kung hindi ka talaga titigil. Bibigwasan na talaga kita!
Kanan: Hawakan mo muna tainga ko.
Kaliwa: Grabe ang tagal.
Kanan: Kasi...
Kaliwa: Yun, kuhang kuha mo na. Gusto mong maluha kagaya ni Paolo Avelino sa pelikula. Kasi alam mo naman pero hindi mo maintindihan. Hindi ka kasi nakikinig sa lite. prof. mo parang kay Beki kahit dalisay tumula ang babaeng ini, matutulala ka pa rin.
Kanan: Kung hindi ka pa titigil sa kakakuda, tatadyakan na kita. Kuhang kuha ko naman talaga kaso umiinit lang ang dugo ko. Bakit ba, “Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa?”

Sampung Random tungkol sa Digmaan at Kapayapaan

Posted by Unknown Thursday, January 29, 2015 0 comments
10 Random tungkol sa Digmaan at Kayapaan
Mula sa panulat ni Ram Gubalane


1. Katotohanan, na kinakailangan muna ng pagbuwis ng buhay at karahasan bago makamit ang kapayapaan.

2. At sa pagsulong ng usaping kapayapaan, ay ang palaging pag-usbong ng bagong paksyong rebelde na muling tututol sa pamahalaan. Paulit-ulit na proseso.

3. Buhay at dugo ang sinasakripisyo ng maliliit na kawal para sa kredito ng malalaking opisyal.

4. Hindi lang sa basura may pera, meron din sa giyera.

5. Turuan ang kahihinatnan ng isang pumalpak na operasyon, samantalang Agawan naman ng kredito ang
isang matagumpay na operasyon o negosasyon.

6. Hindi lang rebelde, hindi lang pamahalaan ang tunay na biktima ng digmaan kundi ang mga inosenteng taong walang kinalaman sa kaguluhan.

7. Kapwa nananawagan at sumasang-ayon sa usaping “Kapayapaan” , ngunit kapwa may sukbit na armas sa tagiliran.

8. Sa digmaan, parehong tama ang dalawang panig. Depende kung kanino ka nakapanig.

9. Nasaan kaya ang CHR, kung ang biktima ng karahasan ay ang mga kaawa-awang kawal ng lipunan?

10. Ang digmaan, MINSAN ay parang pag-ibig – magulo, maligalig, marahas, bayolente. At higit sa lahat, maraming biktima.

“Dapat nang tapusin ng sangkatauhan ang digmaan, bago pa tapusin ng digmaan ang sangkatauhan.” – John F. Kennedy

Popular Posts